VeritasPH

The Word, The Truth

MARTES, NOBYEMBRE 29, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,808 total views

Martes sa Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Isaias 11, 1-10
Salmo 71, 2. 7-8. 12-13. 17

Mabubuhay s’yang marangal at sasagana kailanman.

Lucas 10, 21-24

Tuesday of the First Week of Advent (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 11, 1-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sa araw na iyon, sa lahi ni Jesse ay lilitaw ang isang hari,
tulad ng supling mula sa isang tuod.
Mananahan sa kanya ang Espiritu ng Poon,
Bibigyan siya ng katalinuhan at pagkaunawa,
ng kaalaman at kapangyarihan,
ng karunungan at takot sa Panginoon.
Kagalakan niya ang tumalima sa Poon.
Hindi siya hahatol ayon sa nakikita
O batay sa narinig sa iba.
Bibigyan niya ng katarungan ang mga dukha,
ipagtatanggol ang karapatan ng mga kawawa.
Ang salita niya’y parang tungkod na ipapalo sa malulupit,
ang hatol niya’y kamatayan sa masasama.
Katarungan at katapatan ang paiiralin niya sa kanyang pamamahala.
Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero,
matutulog ang leopardo sa tabi ng batang kambing,
Magsasama ang guya at ang batang leon,
at ang mag-aalaga sa kanila’y batang paslit.
Ang baka at ang oso’y magkasamang manginginain,
ang mga anak nila’y magkakatabing matutulog,
kakain ng damo ang leon na animo’y toro.
Maglalaro ang batang pasusuhin sa tabi ng lungga ng ahas,
hindi maaamo ang bata kahit laruin ang ulupong.
Walang mananakit o mamiminsala
sa nasasaklaw ng banal na bundok;
sapagkat kung paanong puno ng tubig ang karagatan,
laganap sa buong lupain ang pagkakilala sa Panginoon.
Sa araw na iyon, isisilang ang hari mula sa lahi ni Jesse,
ang magiging palatandaan para sa mga bansa.
Ang mga baya’y tutungo sa banal na lungsod upang parangalan siya.
at magiging maningning ang kanyang luklukan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 71, 2. 7-8. 12-13. 17

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Turuan mo yaong, haring humatol ng katuwiran,
Sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;
Upang siya’y maging tapat mamahala sa ‘yong bayan;
at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay.

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Yaong buhay na mat’wid sa kanyang kapanahunan,
madama ng bansa niya at umunlad habang buhay.
Yaong kanyang kaharian ay palawak nang palawak,
mula sa Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat.

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Kanya namang ililigtas ang sinumang tumatawag,
lalo yaong nalimot nang mga taong mahihirap;
sa ganitong mga tao’y siya’y lubhang nahahabag;
sa kanila tumutulong, upang sila ay maligtas.

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

Nawa yaong kanyang ngalan ay h’wag nang malimutan
manatiling laging bantog na katulad nitong araw.
Nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa,
at sa Diyos, silang lahat dumadalanging:
“Harinawa pagpalain kaming lahat,
tulad niyang pinagpala.”

Mabubuhay s’yang marangal
at sasagana kailanman.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Panginoon ay darating,
bibigyan n’ya ng paningin
mga bulag na gagaling
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 21-24

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang oras ding iyon, si Hesus ay napuspos ng galak ng Espiritu Santo. At sinabi niya, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit ay lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kalooba’y tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat gayon ang ikinalulugod mo.

Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakikilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakikilala sa Ama kundi ang Anak at yaong marapating pagpahayagan ng Anak.”

Humarap si Hesus sa mga alagad at sinabi, na di naririnig ng iba: “Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon! Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga hari ang nagnasang makakita ng inyong nakikita ngunit hindi nila nakita. Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Adbiyento
Martes

Inihahayag ng Ama ang mga hiwaga ng Kaharian sa mga maliliit. Manalangin tayo sa ating Diyos na nagpapahayag ng pag-ibig sa mga maliliit at mahihina. Ilapit natin nang may pagtitiwala sa mapagmahal na pagkalinga ng ating Ama sa Langit ang lahat ng ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga dukha, dinggin mo kami.

Ang mga naglilingkod sa Simbahan bilang mga obispo, pari, at laykong tagapaglingkod nawa’y magpahayag ng kagandahang-loob at pag-ibig ng Diyos lalo na sa mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y higit na pagtuuan ng pansin ang mga pangangailangan ng mga pinakaabang mamamayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bata nawa’y makilala ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga pagtuturo at halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang may maysakit nawa’y makatagpo ng ginhawa at kagalingan sa pag-aaruga at pag-aalala ng mga nangangalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na ay makaranas nawa ng walang katapusang kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ipinangako ng iyong Anak na pagiginhawahin kami kapag nahihirapan kami sa aming pasanin. Loobin mong lagi kaming makasunod sa kanyang pag-akbay at palakasin kami upang maging mga kasangkapan ng kanyang kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 9,987 total views

 9,987 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 18,032 total views

 18,032 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 23,112 total views

 23,112 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 28,819 total views

 28,819 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 37,607 total views

 37,607 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »

Watch Live

DONATE NOW
Shadow

Related Story

MARTES, HULYO 16, 2024

 317 total views

 317 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Zacarias 2, 14-17 Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55 D’yos ay Makapangyarihan, Banal ang kanyang pangalan. o kaya Mahal na Birheng Maria, Ina ng Anak ng Ama. Mateo 12, 46-50 Memorial of Our Lady of Mount Carmel (White) UNANG PAGBASA Zacarias 2, 14-17

Read More »

LUNES, HULYO 15, 2024

 1,023 total views

 1,023 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 10, 34 – 11, 1 Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang

Read More »

LINGGO, HULYO 14, 2024

 1,289 total views

 1,289 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Amos 7, 12-15 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Efeso 1, 3-14 Marcos 6, 7-13 Fifteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 7, 12-15 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Noong mga araw na iyon, hinarap ni Amasias, ang

Read More »

SABADO, HULYO 13, 2024

 1,607 total views

 1,607 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Isaias 6, 1-8 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Mateo 10, 24-33 Saturday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

BIYERNES, HULYO 12, 2024

 2,071 total views

 2,071 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman ang dakila mong pangalan. Mateo 10, 16-23 Friday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 14, 2-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ito ang sinasabi

Read More »

HUWEBES, HULYO 11, 2024

 2,487 total views

 2,487 total views Paggunita kay San Benito, abad Oseas 11, 1-4. 8k-9 Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16 Poon kami’y ‘yong iligtas at tanglawan ng ‘yong sinag. Mateo 10, 7-15 Memorial of St. Benedict, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Oseas 11, 1-4. 8k-9 Pagbasa mula

Read More »

MIYERKULES, HULYO 10, 2024

 2,217 total views

 2,217 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Hanapin ang Poon lagi, sa harap n’ya manatili. Mateo 10, 1-7 Wednesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ang

Read More »

MARTES, HULYO 9, 2024

 2,589 total views

 2,589 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga martir Oseas 8, 4-7. 11-13 Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10 Israel na bayan ng D’yos, papurihan mo s’yang lubos. Mateo 9, 32-38 Tuesday of the Fourteenth Week in

Read More »

LUNES, HULYO 8, 2024

 3,153 total views

 3,153 total views Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Mateo 9, 18-26 Monday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Pagbasa mula sa aklat ni propeta

Read More »

SABADO, HULYO 6, 2024

 3,353 total views

 3,353 total views Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Amos 9, 11-15 Salmo 84, 9. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y papayapa. Mateo 9, 14-17 Saturday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

BIYERNES, HULYO 5, 2024

 3,334 total views

 3,334 total views Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Zacarria, pari Amos 8, 4-6. 9-12 Salmo 118, 2. 10. 20. 30. 40. 131 Ang tao ay nabubuhay sa Salita ng Maykapal. Mateo 9, 9-13 Friday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Anthony Zaccaria,

Read More »

HUWEBES, HULYO 4, 2024

 3,554 total views

 3,554 total views Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Isabel na taga-Portugal Amos 7, 10-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Matuwid ang kahatulan ng Panginoon ng tanan. Mateo 9, 1-8 Thursday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Elizabeth of Portugal, Married Woman, Queen (White) UNANG

Read More »

MIYERKULES, HULYO 3, 2024

 3,355 total views

 3,355 total views Kapistahan ni Apostol Santo Tomas Efeso 2, 19-22 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 20, 24-29 Feast of St. Thomas, Apostle (Red) UNANG PAGBASA Efeso 2, 19-22 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi

Read More »

MARTES, HULYO 2, 2024

 2,927 total views

 2,927 total views Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Salmo 5, 5-6. 7. 8 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Mateo 8, 23-27 Tuesday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Pakinggan ninyo,

Read More »

LUNES, HULYO 1, 2024

 2,804 total views

 2,804 total views Lunes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 2, 6-10. 13-16 Salmo 49, 16bk-17. 18-19. 20-21. 22-23 Tinig ng D’yos dapat dinggin kahit ng ayaw pumansin. Mateo 8, 18-22 Monday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 2, 6-10. 13-16 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Ito ang

Read More »
Scroll to Top