MIYERKULES, ABRIL 24, 2024

SHARE THE TRUTH

 3,700 total views

Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir

Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Juan 12, 44-50

Wednesday of the Fourth Week of Easter (White)

or Optional Memorial of St. Fidelis of Sigmaringen, Priest and Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, lumalago at lumalaganap ang salita ng Diyos.

Sina Bernabe at Saulo ay bumalik buhat sa Jerusalem nang maganap na nila ang kanilang tungkulin, at isinama si Juan na tinatawag ding Marcos.

May mga propeta at mga guro sa simbahan sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinaguriang Negro, Lucio na taga-Cirene, Saulo at Manaen, kababata ng tetrarkang si Herodes. Samantalang sila’y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila’y hinirang ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.” Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila sa dalawa ang kanilang mga kamay at sila’y pinayaon.

Kaya’t bumaba sa Seleucia sina Bernabe at Saulo, na sinugo ng Espiritu Santo, at buhat doo’y naglayag patungong Chipre. Nang dumating sila sa Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio roon. Kasama nila si Juan Marcos bilang katulong.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

o kaya: Aleluya!

O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.

ALELUYA
Juan 8, 12

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 12, 44-50

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, malakas na sinabi ni Hesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya’t ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Hindi kailanman niloob ng Diyos na tayo ay mamatay. Nilalang niya tayo upang mabuhay, subalit pinili natin ang kamatayan. Muli tayong pinagkakalooban ng buhay ni Kristong ating Manunubos kaya lumapit tayo sa ating Ama sa pamamagitan niya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, lumakad nawa kami sa iyong liwanag.

Ang Santo Papa at mga obispo nawa’y patuloy na magpahayag ng Mabuting Balita ng Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y tularan ang habag at kabutihan ni Jesus sa pangangalaga sa maging sa kanyang pinakaabang kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mamamayan ng mga mahihirap na bansa nawa’y maakit na lumapit kay Jesus na naging isang dukha para sa ating kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga may mabibigat ng pasanin sa buhay nawa’y makadama ng katangi-tanging pag-ibig at pangangalaga ng Diyos sa kanila sa pamamagitan ng pagmamalasakit na nagmumula sa kanilang mga pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y itaas sa walang hanggang kaligayahan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, nasa iyong kamay ang aming buhay. Taglay ang pagtitiwala sa iyong mapagpalang pangangalaga, inilalapit namin sa iyo ang aming mga kahilingan sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Climate crisis is a child crisis”

 16,867 total views

 16,867 total views Mga Kapanalig, para maiwasan nang makulob ang ating mga estudyante sa mainit na silid-aralan tuwing Abril at Mayo, ia-adjust na ng Department of Education (o DepEd) ang darating na school year. Ang paparating na school year 2024-2025 ay magsisimula sa July 29 ngayong taon at matatapos sa March 31 ng susunod na taon.

Read More »

Kuryente at kalikasan

 27,713 total views

 27,713 total views Mga Kapanalig, kumasa na rin ba kayo sa “bill reveal challenge” na uso ngayon sa social media? Ito ay mga video kung saan dahan-dahan ipinasisilip ang total electric bill na para bang premyo sa isang gameshow. (Pero ingat lang po sa paggawa ng challenge na ito; baka kumalat ang inyong personal na impormasyon

Read More »

Paano tayo bumuboto?

 41,004 total views

 41,004 total views Mga Kapanalig, may misteryong sinusubukang lutasin ang ating mga senador habang dinidinig nila ang isyu ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (o POGO) sa Pilipinas, partikular na sa probinsya ng Tarlac.  Iniuugnay kasi sa mga ito ang alkalde ng bayan ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Leal Guo. Nasa kanyang bayan kasi

Read More »

Learning Poverty

 38,680 total views

 38,680 total views Ang edukasyon ay itinuturing na pundasyon ng kaunlaran. Mapa-pormal o impormal man, ang edukasyon ay nagbibigay ng kaalaman at kasanayan na kailangan ng tao upang makamit ang mas maginhawang buhay. Pero sa kabila ng kahalagahan nito, umiiral pa rin ang learning poverty sa ating bansa. Hanggang ngayon kapanalig, nakaka-alarma ang taas ng antas

Read More »

Kahirapan at Climate Change

 58,031 total views

 58,031 total views Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman at makulay na kultura. Sa kabila ng yamang ito, napakarami pa rin sa ating bansa ang napakahirap, kapanalig. Ayon sa mga datos, halos ikatlo ng ating populasyon ay nabubuhay sa ilalim ng poverty line.  Base sa opisyal na datos, ang Central Visayas ang may

Read More »

Watch Live

Related Story

BIYERNES, MAYO 10, 2024

 6,645 total views

 6,645 total views Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a Friday of the Sixth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. John of Avila,

Read More »

HUWEBES, MAYO 9, 2024

 6,913 total views

 6,913 total views Huwebes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 1-8 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Juan 16, 16-20 Thursday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 18, 1-8 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon,

Read More »

MIYERKULES, MAYO 8, 2024

 6,527 total views

 6,527 total views Miyerkules sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Salmo 148, 1-2. 11-12ab. 12k-14a. 14bkd Ang kadakilaan ng D’yos sa lupa’t langit ay lubos. Juan 16, 12-15 Wednesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 17, 15. 22 – 18, 1 Pagbasa

Read More »

MARTES, MAYO 7, 2024

 7,520 total views

 7,520 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 22-34 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8 Ligtas ako sa ‘yong piling, lakas ko’y sa ‘yo nanggaling. Juan 16, 5-11 Tuesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 22-34 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, MAYO 6, 2024

 7,869 total views

 7,869 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Juan 15, 26 – 16, 4a Monday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 11-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga

Read More »

LINGGO, MAYO 5, 2024

 3,666 total views

 3,666 total views Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. 1 Juan 4, 7-10 Juan 15, 9-17 Sixth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Read More »

SABADO, MAYO 4, 2024

 3,569 total views

 3,569 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. Juan 15, 18-21 Saturday of the Fifth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, MAYO 3, 2024

 3,450 total views

 3,450 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Juan 14, 6-14 Feast of Saints Philip and James, Apostles (Red) UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-8 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y

Read More »

HUWEBES, MAYO 2, 2024

 3,206 total views

 3,206 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas. Juan 15, 9-11 Memorial of St. Athanasius, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA

Read More »

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

 3,072 total views

 3,072 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16 Poon kami’y pagpalain at iyong pagtagumpayin. Mateo 13, 54-58 Memorial of Saint Joseph the Worker (White) UNANG PAGBASA Genesis 1, 26 – 2, 3 Pagbasa mula sa aklat ng

Read More »

MARTES, ABRIL 30, 2024

 5,077 total views

 5,077 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 5,296 total views

 5,296 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 5,570 total views

 5,570 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 5,862 total views

 5,862 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 6,540 total views

 6,540 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »
Scroll to Top