MIYERKULES, NOBYEMBRE 16, 2022

SHARE THE TRUTH

 497 total views

Miyerkules ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay Santa Margarita ng Escosia
o kaya Paggunita kay Santa Gertrudes, dalaga

Pahayag 4, 1-11
Salmo 150, 1-2. 3-4. 5-6

Banal ka, Poong Maykapal,
D’yos na Makapangyarihan.

Lucas 19, 11-28

Wednesday of the Thirty-third Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Margaret of Scotland, Queen (White)
or Optional Memorial of St. Gertrude, Virgin (White)

UNANG PAGBASA
Pahayag 4, 1-11

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Akong si Juan ay nakakita ng isang bukas na pinto sa langit.

At muli kong narinig ang tinig na gaya ng isang trumpeta, na ang sabi, “Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang darating na mga pangyayari.” Walang anu-ano’y kinasihan ako ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono, at ang nakaluklok doon. Ang mukha niya’y maningning na gaya ng mahahalagang batong haspe at kornalina. May isang bahagharing kakulay ng esmeralda sa palibot ng trono. Nakapaligid dito ang dalawampu’t apat pang trono. Nakaluklok ang dalawampu’t apat na matatanda; puti ang kanilang kasuutan at may koronang ginto ang bawat isa. Mula sa trono’y gumuguhit ang kidlat, kasabay ng malalakas na ugong at nakatutulig na kulog. May pitong nagniningas na sulo sa harap ng trono; ito ang pitong espiritu ng Diyos. Sa harap ng trono, may tila dagat na salaming sinlinaw ng kristal.

Nakapaligid sa trono, sa bawat panig nito, ang apat na nilalang na buhay na punung-puno ng mga mata sa harap at likod. Katulad naman ng baka ang pangalawa. May mukhang katulad ng tao ang pangatlo. At katulad ng agilang lumilipad ang pang-apat. Tig-aanim na pakpak ang apat na nilalang na buhay; at tadtad ng mga ang bawat isa, sa loob at labas. Walang tigil ang pag-awit nila araw-gabi:

“Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
Ang Diyos sa nakaraan, sa kasalukuyan, at siyang darating.”

At habang umaawit sila ng papuri, parangal, at pasasalamat sa nakaluklok sa trono, ang nabubuhay magpakailanman, ang dalawampu’t apat na matatanda nama’y nagpapatirapa sa harap ng trono, at sinasamba ang nakaluklok doon, ang nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang korona sa harap ng trono, at sinasabing:

“Aming Panginoon at Diyos! Karapat dapat kang tumanggap ng papuri, paggalang, at kapangyarihan;
Pagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay,
At ayon sa iyong kagustuhan, sila’y nilalang mo at pinananatili.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 150, 1-2. 3-4. 5-6

Banal ka, Poong Maykapal,
D’yos na Makapangyarihan.

Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan,
purihin sa langit ang lakas na taglay;
Siya ay purihin sa kanyang ginawa,
Siya ay purihin, sapagkat dakila.

Banal ka, Poong Maykapal,
D’yos na Makapangyarihan.

Purihin sa tugtog ng mga trompeta,
awitan sa saliw ng alpa at lira!
Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin,
mga alpa’t plauta, lahat ay tugtugin!

Banal ka, Poong Maykapal,
D’yos na Makapangyarihan.

Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang,
sa lakas ng tugtog siya’y papurihan;
purihin ang Poon ng mga nilalang!

Banal ka, Poong Maykapal,
D’yos na Makapangyarihan.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 19, 11-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus ang isang talinghaga sa mga nakarinig ng una niyang pangungusap. Ginawa niya ito sapagkat malapit na siya sa Jerusalem, at ang akala ng mga tao ay itatatag na ang kaharian ng Diyos. Sabi niya: “May isang mahal na taong nagtungo sa malayong lupain upang gawing hari at magbalik pagkatapos niyon. Bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin. Binigyan niya ang mga ito ng tig-iisang salaping ginto at sinabihan sila, ‘Ipangalakal ninyo iyan hanggang sa pagbabalik ko.’ Poot na poot naman sa kanya ang kanyang mga kababayan, kaya’t pagkaalis niya, nagsugo sila ng mga kinatawan upang sabihin sa kinauukulan: ‘Ayaw naming maging hari ang taong ito!’

“Ngunit ginawa ring hari ang taong iyon. Umuwi siya pagkatapos, at ipinatawag ang mga aliping binigyan niya ng salaping ginto, upang malaman kung gaano ang tinubo ng bawat isa. Lumapit sa kanya ang una at ang sabi, ‘Panginoon, ang salapi ninyong ginto ay nagtubo ng sampu.’ ‘Magaling,’ sagot niya. ‘Mabuting alipin! Yamang naging matapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa sampung bayan.’ Lumapit ang ikalawa at ang sinabi, ‘Panginoon, ang inyong salaping ginto ay nagtubo ng lima.’ At sinabi niya sa kanya, ‘Mamamahala ka sa limang bayan.’ Lumapit ang isa pang alipin at nagsabi, ‘Panginoon, heto po ang inyong salaping ginto. Binalot ko po sa panyo at itinago. Natatakot po ako sa inyo, sapagkat napakahigpit ninyo; kinukuha ninyo ang hindi sa inyo, at inaani ang hindi ninyo inihasik.’ Sinagot siya ng kanyang panginoon, ‘Masamang alipin! Sa salita mong iyan kita hahatulan. Alam mo palang ako’y mahigpit. Sinabi mo, kinukuha ko ang hindi sa akin at inaani ko ang hindi ko inihasik. Bakit hindi mo inilagay sa bangko ang aking salapi? Pagbabalik ko, sana’y may tinubo ang puhunang ito.’ At sinabi niya sa mga naroroon, ‘Kunin ninyo sa kanya ang salaping ginto, at ibigay sa may sampu.’ ‘Panginoon, siya po’y mayroon nang sampung salaping ginto!’ wika nila. ‘Sinasabi ko sa inyo: ang bawat mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Tungkol naman sa mga kaaway kong aayaw na ako’y maghari sa kanila – dalhin ninyo dito at patayin sa harapan ko!’”

Pagkasabi nito, nagpauna si Hesus patungong Jerusalem.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Natitipon bilang mga anak ng Diyos Ama na tagapagbigay ng lahat ng kabutihan, may pagpipitaan tayong manalangin sa kanya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng kabutihan, basbasan mo kami.

Ang Simbahan nawa’y hindi matakot sa mga pagsubok kaugnay ng mga pagbabago at magamit niya sa matuwid na pamamaraan ang mga biyayaang ipinagkaloob sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tao nawa’y makibahagi sa kayamanan ng lupa nang may katarungan, pagkakaisa, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng malalim na pagpapahalaga sa simpleng buhay upang lubos nating madama ang patuloy na pagdaloy ng pag-ibig ng Diyos sa ating mga maliliit na gawang kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga doktor, mga nars, at yaong mga nasa propesyon ng pag-aalaga nawa’y gamitin ang kanilang mga biyaya sa paghahatid ng pag-ibig at habag ni Kristo sa mga dukha, nalulumbay, maysakit, at ma nasa bilangguan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinagpalang yumao nawa’y makasama sa walang hanggang kaligayahan ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming manatiling tapat sa maliliit na bagay ng buhay upang mapagkatiwalaan mo kami sa mga higit na dakilang bagay kapag pumasok kami sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 33,476 total views

 33,476 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 44,481 total views

 44,481 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 52,286 total views

 52,286 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 68,189 total views

 68,189 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 83,289 total views

 83,289 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Linggo, Hunyo 15, 2025

 833 total views

 833 total views Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (K) Kawikaan 8, 22-31 Salmo 8, 4-5. 6-7. 8-9 Maningning ang iyong ngalan, Poon, sa

Read More »

Biyernes, Hunyo 13, 2025

 4,057 total views

 4,057 total views Paggunita kay San Antonio de Padua, pari at pantas ng Simbahan 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 115, 10-11. 15-16. 17-18 Maghahandog ako sa

Read More »

Huwebes, Hunyo 12, 2025

 4,695 total views

 4,695 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (K) Isaias 6, 1-4. 8 Salmo 23, 2-3. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 11, 2025

 5,137 total views

 5,137 total views Paggunita kay San Bernabe, apostol Mga Gawa 11, 21b-26; 13, 1-3 Salmo 97, 1. 2-3ab, 3kd-4, 5-6 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag.

Read More »

Martes, Hunyo 10, 2025

 5,662 total views

 5,662 total views Martes ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 2 Corinto 1, 18-22 Salmo 118, 129. 130. 131. 132. 133. 135 Tumanglaw ka sa

Read More »

LATEST NEWS

Scroll to Top