Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
First Friday in August, Eighteenth Week of Ordinary Time, Year II
07 August 2026
Nahum 2:1, 3; 3:1-3, 6-7 <*((((>< + ><))))*> Matthew 16:24-28
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Thank you for this
first Friday in August,
Lord Jesus;
your words remind us
of our continuing journey
in you
and with you;
many times,
we go towards you
but sometimes
we go on so many detours
because we think them
as shortcuts,
as better,
most often but wrongly,
much lighter.
Jesus said to his disciples, “Whoever wishes to come after me must deny himself, take up his cross, and follow me. For whoever wishes to save his life will lose it, but whoever loses hisnlife for my sake will find it (Matthew 16:24-25).
Christian journey
is a continual turning
of our hearts to you,
Lord Jesus;
problem is how we
easily forget,
how foolishly we insist
like the people of Nineveh
to live in power and wealth,
in greed and violence,
in selfishness;
life and its fullness can only
be found in you, Jesus;
help us find our way back to you
when we are lost,
let us leave the sidewalks
to join you on the road itself
as we journey to the Cross
so that along the way
experience your life
and joy and fulfillment.
Amen.
Jesus meek and humble of heart,
make my heart like thine!
Photo by author, Anvaya Resort, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Jerry Maya Figarola
Friday, August 7, 2026 2:41 pm
1,303 total views
Nilagdaan ngayong araw ng Pag-IBIG Fund at Landers Superstore ang Memorandum of Agreement (MOA) sa Landers Superstore Aseana upang palawakin ang mga benepisyong matatanggap ng mga miyembro ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, layunin ng kasunduan na mabigyan ng mas maraming napapanahong benepisyo ang may 17-milyong aktibong miyembro ng PAG-IBIG Fund kabilang ang mga hindi pa nangangailangan ng housing o multi-purpose loan.
“Sa ating mga pag-ibig members, pumunta na kayo dito sa Landers, dalhin nyo ang iyong loyalty card plus, pwede na kayong mag-shopping kahit wala kayo ng membership card. Initially, hindi na.Pero mas maganda kung pagkatapos nilang mag-shopping kasi para forever na silang member ng Landers,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Acosta.
Ayon kay Acosta na bukod sa pagiging cash card, nagsisilbi ring daan ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus upang makakuha ng mga diskwento, espesyal na alok, at reward points mula sa lumalawak na hanay ng mga partner establishments ng ahensya.
Binigyang-diin din ni Acosta na malaking bahagi ng buwanang gastusin ng maraming pamilyang Pilipino ang pamimili ng grocery kaya’t makatutulong ang bagong partnership upang makabawas sa kanilang gastusin dahil ang bawat pisong matitipid sa mga pangunahing pangangailangan ay maaaring mailaan sa edukasyon, pamasahe, bayarin sa kuryente at tubig, o maging dagdag na ipon sa MP2 Savings Program.
“We are truly grateful to Lander’s Superstore for joining us in this mission.Together, we are making the Pag-ibig Loyalty Card Plus even more rewarding and meaningful for our members.As we sign this Memorandum of Agreement today, we reaffirm our commitment to helping Filipino families save more, spend wisely, and enjoy greater value from their pag-ibig membership.To our friends from Lander Superstore, thank you for your trust and partnership. Maraming salamat po at congratulations to all of us,” bahagi pa ng mensahe ni Acosta sa gawain.
Sa bisa ng kasunduan na nagsimula noong August 01 hanggang October 31 ngayong taon, maaaring makakuha ang mga may hawak ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus ng libreng Landers Shopping Pass, libreng Landers Premium Membership sa minimum na single-receipt purchase na 3-thousand pesos, at pagkakataong mag-upgrade sa Executive Membership sa halagang 300-pesos lamang, magagamit ang mga benepisyong ito sa 16 na kalahok na Landers Superstore branches sa buong bansa.
Jerry Maya Figarola
Friday, August 7, 2026 2:40 pm
1,299 total views
Nanawagan ang Church People–Workers Solidarity (CWS) nang kagyat na pagpapatupad na ng 85-pesos wage hike minimum na sahod sa National Capital Region (NCR), kasunod ng pansamantalang pagpigil sa implementasyon nito dahil sa Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas kaugnay ng petisyong inihain ng dalawang construction company.
Ayon kay CWS National Chairperson San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, iginiit na ang pagkaantala sa pagpapatupad ng wage increase ay nagdudulot ng dagdag na pasanin sa mga manggagawang patuloy na nahaharap sa mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, mababang kita, at tumitinding gastusin sa pagkain, transportasyon, pabahay, kalusugan, edukasyon, at iba pang pangangailangan.
Giit ng Obispo, bagama’t kabilang ang 85-pesos wage adjustment sa pinakamalalaking wage hike sa mga nakalipas na taon, nananatili pa rin itong malayo sa isinusulong na family living wage na ngayon ay umaabot na sa 1,300-pesos upang masuportahan ng isang manggagawa ang sarili o pamilyang may limang miyembro.
“Even with the full adjustment, the NCR minimum wage remains significantly below the estimated family living wage, which studies place at more than ₱1,200 per day for a family of five. Inflation continues to erode workers’ purchasing power, while the costs of food, transportation, housing, healthcare, education, and utilities continue to rise. The wage adjustment itself is therefore not excessive. Rather, it represents only a modest step toward restoring the dignity of labor and helping workers meet their families’ most basic needs. To postpone even this limited relief places an additional burden on those who already bear the greatest weight of today’s economic challenges,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza
Ipinahayag din ng CWS ang pangamba sa legal na implikasyon ng TRO, na maaaring sumalungat sa layunin ng umiiral na mga batas sa paggawa na tiyakin ang maagap na pagpapatupad ng mga wage order.
Hinimok ng grupo ang kagyat na pag-alis sa TRO, paggalang sa mga batas ng labor laws hinggil sa implementasyon ng wage orders, pagpapatuloy ng dayalogo sa pagitan ng pamahalaan, mga employer at labor groups, at pagsusulong ng mga tunay na pagbabagong maglalapit sa minimum wage sa tunay na family living wage.
“We, the Church people, walks with you in your struggle for justice, dignity, and decent work. Your labor is not merely an economic contribution; it is a participation in God’s continuing work of creation. We pray—and earnestly hope—that government, employers, labor organizations, the courts, faith communities, and all sectors of society will work together so that economic progress truly becomes inclusive, just, and life-giving for all,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.
Sa huli, Binigyang-diin ng CWS na ang makatarungang suweldo ay hindi lamang usaping pang-ekonomiya kundi usapin din ng dignidad ng tao at panlipunang katarungan.
Ang apela ng CWS ay kahanay ng ensiklikal na Rerum Novarum ni Pope Leo XIII na nagsasabing, “To defraud anyone of wages due to a lowly worker is a crime which cries to the anger of heaven,” bilang paalala sa moral na pananagutan ng lipunan na tiyakin ang makatarungan at napapanahong sahod para sa mga manggagawa.
5,364 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o
80,789 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa
112,071 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas. Sa isang privilege
144,088 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay
296,066 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,