MIYERKULES, PEBRERO 1, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,054 total views

Miyerkules ng Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Hebreo 12, 4-7. 11-15
Salmo 102, 1-2. 13-14. 17-18a

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Marcos 6, 1-6

Wednesday of the Fourth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Hebreo 12, 4-7. 11-15

Pagbasa mula sa sulat sa Mga Hebreo

Mga kapatid, hindi pa humahantong sa pagdanak ng inyong dugo ang pakikitunggali ninyo sa kasalanan. Nalimutan na ba ninyo ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya – mga salitang nagpapalakas ng loob ninyo?

“Anak, huwag kang magwalang-bahala kapag itinutuwid ka ng Panginoon,
At huwag panghinaan ng loob kapag ikaw ay pinarurusahan niya.
Sapagkat pinarurusahan ng Panginoon ang mga iniibig niya,
At pinapalo ang itinuturing niyang anak.”

Tiisin ninyo ang lahat bilang pagtutuwid ng isang ama, sapagkat ito’y nagpapakilalang kayo’y inaari ng Diyos na kanyang mga anak. Sinong anak ang hindi itinuwid ng kanyang ama? Habang tayo’y itinutuwid hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis. Ngunit pagkaraan niyon, lalasap tayo ng kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay.

Kaya’t palakasin ninyo ang inyong lupaypay na katawan at tipunin ang nalalabi pang lakas! Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi tuluyang mapilay, kundi gumaling ang paang nalinsad.

Magpakabanal kayo at sikaping makasundo ang inyong kapwa, sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. Pag-ingatan ninyong huwag talikdan ninuman sa inyo ang pag-ibig ng Diyos. Ingatan ninyong huwag sumama ang sinuman sa inyo at makagulo at makahawa pa sa iba.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 13-14. 17-18a

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya
gayun siya nahahabag sa may takot sa kanya.
Alam niya na alabok, yaong ating pinagmulan,
alam niyang babalik din sa alabok kung mamatay.

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay tunay na walang hanggan,
sa sinuman sa kanya’y may takot at pagmamahal;
Ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.
yaong magtatamo nito’y ang tapat sa kanyang tipan.

Pag-ibig mo’y walang hanggan
sa bayan mong nagmamahal.

ALELUYA
Juan 10, 27

Aleluya! Aleluya!
Ang tinig ko’y pakikinggan
ng kabilang sa ‘king kawan,
ako’y kanilang susundan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, “Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan? Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago at Jose, Judas at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?” At siya’y ayaw nilang kilanlin. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang propeta’y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay.” Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya. At nilibot ni Hesus ang mga nayon sa paligid upang magturo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Tinanggihan si Jesus ng sariling niyang kababayan. May pananalig nating tanggapin siya bilang ating Panginoon at Tagapagligtas.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng karunungan at lakas, basbasan Mo kami.

Ang mga namumuno sa Simbahan nawa’y ipahayag ang Salita ng Diyos nang may katapangan at isabuhay ito nang may pananalig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y maging maalab sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos sa mundong hindi naniniwala sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y magkaroon ng tiyaga at hindi manghina ang kalooban sa paghahasik ng mensahe ng Diyos sa mga pook na hindi bukas sa pagtanggap dito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang pag-ibig at pagkalinga ng Diyos sa pamamagitan ng malasakit ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, buksan mo ang aming mga puso sa iyong Salita. Patawarin mo kami sa mga pagkakataong tinanggihan naming makinig sa iyong katotohanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 6,601 total views

 6,601 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 14,646 total views

 14,646 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 19,726 total views

 19,726 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 25,433 total views

 25,433 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 34,221 total views

 34,221 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »

Watch Live

Related Story

MARTES, HULYO 16, 2024

 30 total views

 30 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Zacarias 2, 14-17 Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55 D’yos ay Makapangyarihan, Banal ang kanyang pangalan. o kaya Mahal na Birheng Maria, Ina ng Anak ng Ama. Mateo 12, 46-50 Memorial of Our Lady of Mount Carmel (White) UNANG PAGBASA Zacarias 2, 14-17

Read More »

LUNES, HULYO 15, 2024

 737 total views

 737 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 10, 34 – 11, 1 Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang

Read More »

LINGGO, HULYO 14, 2024

 1,002 total views

 1,002 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Amos 7, 12-15 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Efeso 1, 3-14 Marcos 6, 7-13 Fifteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 7, 12-15 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Noong mga araw na iyon, hinarap ni Amasias, ang

Read More »

SABADO, HULYO 13, 2024

 1,323 total views

 1,323 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Isaias 6, 1-8 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Mateo 10, 24-33 Saturday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

BIYERNES, HULYO 12, 2024

 1,788 total views

 1,788 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman ang dakila mong pangalan. Mateo 10, 16-23 Friday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 14, 2-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ito ang sinasabi

Read More »

HUWEBES, HULYO 11, 2024

 2,321 total views

 2,321 total views Paggunita kay San Benito, abad Oseas 11, 1-4. 8k-9 Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16 Poon kami’y ‘yong iligtas at tanglawan ng ‘yong sinag. Mateo 10, 7-15 Memorial of St. Benedict, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Oseas 11, 1-4. 8k-9 Pagbasa mula

Read More »

MIYERKULES, HULYO 10, 2024

 2,059 total views

 2,059 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Hanapin ang Poon lagi, sa harap n’ya manatili. Mateo 10, 1-7 Wednesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ang

Read More »

MARTES, HULYO 9, 2024

 2,431 total views

 2,431 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga martir Oseas 8, 4-7. 11-13 Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10 Israel na bayan ng D’yos, papurihan mo s’yang lubos. Mateo 9, 32-38 Tuesday of the Fourteenth Week in

Read More »

LUNES, HULYO 8, 2024

 2,995 total views

 2,995 total views Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Mateo 9, 18-26 Monday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Pagbasa mula sa aklat ni propeta

Read More »

SABADO, HULYO 6, 2024

 3,195 total views

 3,195 total views Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Amos 9, 11-15 Salmo 84, 9. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y papayapa. Mateo 9, 14-17 Saturday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

BIYERNES, HULYO 5, 2024

 3,176 total views

 3,176 total views Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Zacarria, pari Amos 8, 4-6. 9-12 Salmo 118, 2. 10. 20. 30. 40. 131 Ang tao ay nabubuhay sa Salita ng Maykapal. Mateo 9, 9-13 Friday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Anthony Zaccaria,

Read More »

HUWEBES, HULYO 4, 2024

 3,396 total views

 3,396 total views Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Isabel na taga-Portugal Amos 7, 10-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Matuwid ang kahatulan ng Panginoon ng tanan. Mateo 9, 1-8 Thursday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Elizabeth of Portugal, Married Woman, Queen (White) UNANG

Read More »

MIYERKULES, HULYO 3, 2024

 3,197 total views

 3,197 total views Kapistahan ni Apostol Santo Tomas Efeso 2, 19-22 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 20, 24-29 Feast of St. Thomas, Apostle (Red) UNANG PAGBASA Efeso 2, 19-22 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi

Read More »

MARTES, HULYO 2, 2024

 2,769 total views

 2,769 total views Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Salmo 5, 5-6. 7. 8 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Mateo 8, 23-27 Tuesday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Pakinggan ninyo,

Read More »

LUNES, HULYO 1, 2024

 2,646 total views

 2,646 total views Lunes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 2, 6-10. 13-16 Salmo 49, 16bk-17. 18-19. 20-21. 22-23 Tinig ng D’yos dapat dinggin kahit ng ayaw pumansin. Mateo 8, 18-22 Monday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 2, 6-10. 13-16 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Ito ang

Read More »
Scroll to Top