Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabado, Mayo 10, 2025

SHARE THE TRUTH

 13 total views

Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan

Mga Gawa 9, 31-42
Salmo 115, 12-13. 14-15. 16-17

Sa lahat ng ‘yong kaloob
ano’ng aking ihahandog?

Juan 6, 60-69

Saturday of the Third Week of Easter (White)

or Optional Memorial of St. John of Avila, Priest and Doctor of the Church (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 9, 31-42

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, naging matiwasay ang Simbahan sa buong Judea, Galilea at Samaria. Ito’y tumatag at lumaganap sa tulong ng Espiritu Santo at namuhay na may pagkatakot sa Panginoon.

Naglalakbay noon si Pedro upang dumalaw sa mga kapatid sa pananampalataya. Sa pagdalaw niya sa mga kapatid sa Lida, natagpuan niya roon ang isang lalaking nagngangalang Eneas. Ito’y paralitiko at walong taon nang nararatay. “Eneas,” ani Pedro, “pinagagaling ka ni Hesukristo. Tumindig ka’t ayusin mo ang iyong higaan!” At tumindig siya agad. Nakita siya ng lahat ng naninirahan sa Lida at Saron, at nanampalataya sila sa Panginoon.

Sa Jope naman, may isang alagad na babae, ang pangala’y Tabita. Sa Griego, ang kanyang pangalan ay Dorcas, na ang ibig sabihi’y usa. Ginugugol niya ang kanyang panahon sa paggawa ng mabuti at pagkakawanggawa. Nang mga araw na iyon, siya’y nagkasakit at namatay. Nang mapunasan na ang bangkay, ito’y ibinurol sa silid sa itaas. Di kalayuan sa Jope ang Lida. Nang mabalitaan ng mga alagad na naroon si Pedro, inutusan nila ang dalawang lalaki upang siya’y pakiusapang pumunta agad sa Jope. Sumama naman sa kanila si Pedro. Pagdating doon, dinala siya sa silid sa itaas. Agad lumapit sa kanya ang mga babaing balo na nananangis at ipinakikita ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas noong ito’y nabubuhay pa. Pinalabas ni Pedro ang lahat; siya’y lumuhod at nanalangin. Pagkatapos, humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita at naupo nang makita si Pedro. Hinawakan ni Pedro ang kanyang kamay at tinulungan siyang tumindig. Pagkatapos, tinawag niya ang mga banal at ang mga babaing balo at iniharap sa kanila si Dorcas na buhay na. Nabalita ito sa buong Jope, kaya’t marami ang sumampalataya sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 12-13. 14-15. 16-17

Sa lahat ng ‘yong kaloob
ano’ng aking ihahandog?

o kaya: Aleluya.

Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking ihahandog
sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?
Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap,
bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

Sa lahat ng ‘yong kaloob
ano’ng aking ihahandog?

Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang,
ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay.
Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw,
kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam.

Sa lahat ng ‘yong kaloob
ano’ng aking ihahandog?

Panginoon, naririto akong inyong abang lingkod,
katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos;
yamang ako’y iniligtas, kinalinga at tinubos.
Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat,
ang handog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak.

Sa lahat ng ‘yong kaloob
ano’ng aking ihahandog?

ALELUYA
Juan 6, 63k. 68k.

Aleluya! Aleluya!
Espiritung bumubuhay
ang Salita mo, Maykapal,
buhay mo ang tinataglay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 6, 60-69

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, marami sa mga alagad ni Hesus ang nagsabi, “Mabigat na pananalita ito; sino ang makatatanggap nito?” Alam ni Hesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito, kaya’t sinabi niya, “Dahil ba rito’y tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao sa dati niyang kinaroroonan? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay. Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin.” Sapagkat talastas ni Hesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi nananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya. Idinugtong pa niya, “Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makalalapit sa akin malibang loobin ito ng Ama.”

Mula noo’y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Kaya’t tinanong ni Hesus ang Labindalawa, “Ibig din ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo’y natitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado

Inihahatid sa atin ni Kristo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan at tayo ay sumasampalataya. Bunga ng pananampalatayang ito, may pagtitiwala tayong magsumamo sa ating Ama sa Langit na dinggin ang mga panalangin ng pamayanang ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kaming tapat sa iyong Anak.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y sumunod sa Panginoon nang buong puso, isip, at lakas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng mga bansang nagdaranas ng kaguluhan nawa’y walang patid na magsikap na makapaghatid ng kapayapaan at katarungan sa kanilang mga bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maunawaan na ibinibigay ng Diyos ang pinakadakilang katunayan ng kanyang pag-ibig sa nananatiling presensya ng Banal na Sakramento, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa sa matagal nang karamdaman nawa’y magkaroon ng kapayapaan ng damdamin na dulot ng nagbibigay-ginhawang mga salita ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y magtamasa ng walang hanggang kapayapaan kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, nasa iyong Anak ang mga salita ng buhay; wala kaming patutunguhan kundi sa kanya. Iniaalay namin ang aming mga panalangin sa ngalan niya na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 5,640 total views

 5,640 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 23,607 total views

 23,607 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 53,143 total views

 53,143 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 73,811 total views

 73,811 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 82,034 total views

 82,034 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Watch Live

Related Post

Biyernes, Mayo 9, 2025

 359 total views

 359 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Huwebes, Mayo 8, 2025

 956 total views

 956 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Miyerkules, Mayo 7, 2025

 524 total views

 524 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Martes, Mayo 6, 2025

 1,313 total views

 1,313 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a.

Read More »

Lunes, Mayo 5, 2025

 1,765 total views

 1,765 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Linggo, Mayo 4, 2025

 1,676 total views

 1,676 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 27b-32. 40b-41 Salmo 29, 2 at 4. 5 at 6. 11 at

Read More »

Sabado, Mayo 3, 2025

 2,517 total views

 2,517 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Read More »

Biyernes, Mayo 2, 2025

 2,735 total views

 2,735 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y

Read More »

Huwebes, Mayo 1, 2025

 405 total views

 405 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14

Read More »

Miyerkules, Abril 30, 2025

 3,985 total views

 3,985 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5.

Read More »

Martes, Abril 29, 2025

 4,366 total views

 4,366 total views Pagggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na!

Read More »

Lunes, Abril 28, 2025

 4,981 total views

 4,981 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis Maria

Read More »

Linggo, Abril 27, 2025

 5,389 total views

 5,389 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 12-16 Salmo 117, 2-4. 22-24. 25-27a Butihing Poo’y purihin pag-ibig n’ya’y walang

Read More »

Sabado, Abril 26, 2025

 5,679 total views

 5,679 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Biyernes, Abril 25, 2025

 4,731 total views

 4,731 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More »
Scroll to Top