Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Protect Wildlife project, inilunsad.

SHARE THE TRUTH

 415 total views

Inilunsad ng Department of Environment and Natural resources at United States Agency for International Development o USAID ang Protect Wildlife Project para lalong mapangalagaan ang biodiversity ng Pilipinas.

Ayon kay Environment Secretary Gina Lopez, ito’y bilang bahagi na rin ng World Wilflife celebration ngayong buwan ng Marso.

Samantala, binigyang diin rin ng kalihim ang layunin ng DENR na paunlarin ang maliliit na komunidad sa pamamagitan ng livelihood programs at ecotourism habang kasabay nito ay napangangalagaan rin ng mga lokal na residente ang likas na yaman ng kanilang lalawigan.

“Wildlife is therefore an integral part of developing areas. Taking care of them will give us great ecotourism zones that can help people in the communities and lift them out of poverty,”bahagi ng pahayag ni Lopez.

Ang Protect Wildlife project ay limang taong proyekto ng DENR at USAID at may inisyal nang pondo na 1.2 bilyong piso.

Ang unang mga lalawigan na pagtutuunan ng proyekto ay ang Palawan, kasama ang pangangalaga sa Tubataha Reef at ang Zamboanga at Tawi-tawi bilang pagpapatibay ng proteksyon sa Sulu Archipelago.

Magugunitang malaki rin ang pagpapahalagang inihayag ng Santo Papa Francisco sa samu’t sa ring buhay sa ating kalikasan dahil dito magmumula ang ikabubuhay ng mamamayan lalo’t higit ng mahihirap na nakadepende sa likas na yaman ng mundo.(Yana Villajos)

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 11,279 total views

 11,279 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 61,842 total views

 61,842 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 10,339 total views

 10,339 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 67,023 total views

 67,023 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 47,218 total views

 47,218 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Arnel Pelaco

Panalangin ni Cardinal Advincula sa bagyo at lindol

 657 total views

 657 total views Hiniling sa Panginoong Diyos ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na i-adya ang mamamayan sa panganib at sakuna na dulot ng lindol at matinding pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Ipinagdarasal din ni Cardinal Advincula sa Panginoon na pahupain ang masungit na panahon at mawala ang banta ng lindol.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top