Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Protektahan ang demokrasya

SHARE THE TRUTH

 236 total views

Mga Kapanalig, ang mundo ay higit na nagiging awtoritaryan. Ibig sabihin, laganap ang mga rehimeng hindi nagtataguyod ng demokrasya. Nariyan ang walang habas na pagsupil sa malayang pamamahayag at paghina ng rule of law sa maraming bansa. Batay ito sa bagong labás na Global State of Democracy Report 2021 ng Institute for Democracy and Electoral Assistance, isang international na samahang gumagawa ng mga pag-aaral tungkol sa demokrasya.

Ayon sa report, lalong nagiging awtoritaryan ang mundo sa nagdaang limang taon. Makikita ito sa datos na mas maraming bansa ang patungo sa pagiging awtoritaryan kaysa sa bilang ng mga bansang lumalakas ang demokrasya. Sa katunayan, ang bilang ng mga bansang patungo sa awtoritaryanismo ay halos tatlong beses na marami kaysa sa mga bansang nagiging mas demokratiko. Naging malaking hamon din para maisabuhay ang mga prinsipyo ng demokrasya ntiong nagadaang taon dahil sa mga limitasyong idinulot ng pandemya.

Dito sa ating rehiyon sa Asia and the Pacific, parehas na makikita ang matitibay na awtoritaryan at demokratikong bansa. Binanggit sa report ang mga kaguluhan nitong nagdaang taon sa Myanmar, Hong Kong, at Afghanistan. Samantala, may mga bansa sa ating rehiyon katulad ng Mongolia at New Zealand na naipakitang posible ang malaya at mapayapang halalan sa gitna ng pandemya. Sa kasamaang palad, sinabi rin sa report ang tila pagguho ng demokrasya sa India, Sri Lanka, Indonesia, at dito mismo sa Pilipinas. Ilan lamang sa mga sinasabing banta sa demokrasya sa mga bansang ito ang militarisasyon o pagpasok ng mga military sa pulitika, ang pagsupil sa malayang pamamahayag, at matinding polarization o pagkakahati-hati ng taumbayan.

Hindi natin maikakaila ang ilang malungkot na katotohanan sa report tungkol sa ating bansa. Sa gitna na pandemya noong isang taon, naisabatas dito ang Anti-Terrorism Act of 2020. Maraming kuwestiyonableng probisyon ang nasabing batas na lubhang makaaapekto sa ating malayang pakikilahok sa pamamahala. Nariyan ang malawak at malabong pagkahulugan sa “terorismo” na maaaring magdiin maging sa mga lehitimong kritiko ng maling pamamahala. Maaari ding ikulong nang walang warrant of arrest ang mga pinaghihinalaang terorista.

Patuloy din ang mga isyu ng katiwalian sa gitna ng milyun-milyong Pilipinong nagugutom at nagkakasakit dahil sa pandemya. Labis na sinisira ng korapsyon ang tiwala ng taumbayan sa mga institusyong dapat ay nagsusulong sa kanilang mga karapatan at kabutihan sa isang demokratikong sistema.

At nitong nagdaang buwan, kitang-kita natin kung paano tila nilaro ng mga pulitiko at malalakas na angkan ang filing of candidacy para sa 2022 national elections. Taumbayan ang naiiwang lito sa mga nag-aagawan sa kapangyarihan.

Naniniwala ang mga panlipunang turo ng Simbahan na ang makabuluhang demokrasya ay hindi bunga lamang ng pagsunod sa mga pormal na panuntunan at mga batas, ngunit bunga ito ng malalim na pagtanggap at pagsasabuhay ng mga mamamayan at kanilang mga lider sa mga prinsipyo ng demokrasya. Ilan lamang sa mahahalagang prinsipyo na ito ay ang paggalang sa dignidad ng tao, respeto sa kanilang mga karapatan (kasama na ang malayang pamamahayag at pakikilahok), at paninindigan para sa kabutihang panlahat. Kung naisasabuhay ang mga prinsipyong ito, magiging buo ang tiwala ng taumbayan sa mga institusyon. Lalakas ang kanilang loob na papanagutin ang mga tiwali sa pamahalaan. Tunay na buháy ang demokrasya.

Mga Kapanalig, sinasabi nga sa Filipos 3:20, “Tayo ay mga mamamayan ng langit.” Kaya nawa’y maisabuhay natin sa mundong ito ang tunay na ibig sabihin ng pagiging mamamayanan ng langit. Gawin nating mas malapit ang mundong ito sa kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagsusulong at pagtatanggol sa demokrasya—demokrasyang ginagawang posible ang pagtataguyod sa dangal ng tao at sa kaunlaran ng lahat. Tandaan natin ito lalo na ngayong papalapit na ang eleksyon.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 17,400 total views

 17,400 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 67,963 total views

 67,963 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 16,021 total views

 16,021 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 73,144 total views

 73,144 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 53,339 total views

 53,339 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 17,401 total views

 17,401 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 67,964 total views

 67,964 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 73,145 total views

 73,145 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 53,340 total views

 53,340 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 44,383 total views

 44,383 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 53,064 total views

 53,064 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 67,826 total views

 67,826 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 74,941 total views

 74,941 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 49,071 total views

 49,071 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 48,843 total views

 48,843 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 48,544 total views

 48,544 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 40,878 total views

 40,878 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 80,458 total views

 80,458 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 88,012 total views

 88,012 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 83,895 total views

 83,895 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top