471 total views
Ikinagalak ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang maagang pamamahagi ng Social Security System (SSS) ng pensyon at 13th month pention pay ng mga Pensioners ng ahensya na karamihan ay Senior Citizens.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Family and Life (CBCP-ECFL) Chairman Parañaque Bishop Jesse Mercado, magpapasigla sa kapaskuhan at paggunita ng bansa sa 500 years of Christianity ang maagang pamasko ng SSS sa mga matatanda.
“I welcome the early release of the December and 13th month SSS pension of pensioners because it will give them- the elderly, the opportunity not just to receive gifts, but in the spirit of Christmas, to give gifts themselves, like the theme for this Year of the Mission, they become ‘gifted to give,‘” ayon sa mensahe ng Obispo sa Radyo Veritas.
Mensahe din ni Bishop Mercado na magdudulot rin ng labis na kagalakan sa bawat senior citizens ang hakbang ng SSS.
“Because they are no longer productive unlike during their younger years, the elderly can sometimes feel unwanted and unneeded. By getting their pension early, they are given an opportunity to give gifts to their grandchildren,” ayon pa sa Obispo.
Batid din ni Bishop Mercado ang kahalagahan ng inisyatibo ng ahensya upang iparamdam sa mga matatandang mamamayan na bagamat limitado na ang kanilang kilos ay maari parin silang makapag-ambag sa maliliit na pamamaraan.
“It is a meaningful gesture, something that will make them happy and help them feel that they still have something to contribute. The early release of their pension is a very welcome development,” ani Bishop Mercado.