Siklo Eco-Expo, inilunsad ng Caritas Manila at Ecowaste Coalition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,245 total views

Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mga mamamayan na makiisa sa idaraos na ‘Siklo Eco-Expo’ sa Plaza De Roma Intramuros, Manila na magsisimula sa October 18.

Tampok sa Siklo Eco-Expo ang mga pre-loved items, makakalikasang produkto at iba pang sustainable na mga serbisyo at produkto na maaring mabili sa expo.

Ang expo ay sa pakikipagtulungan ng Caritas Manila sa Intramuros Administration at Ecowaste Coalition upang matipon ang mga negosyanteng nakatuon ang negosyo tungo sa sama-samang pag-unlad at higit na ang pangangalaga sa kalikasan.

“Tampok dito ang iba’t-ibang eco-friendly stores na may samu’t-saring sustainable products and services!,” ayon sa mensahe ng Ecowaste Coalition.

Tampok sa Eco-expo ang mga Segunada Mana Outlets, Caritas Margins, Binalot, Mother Earth Foundation PH, Back to Basics Ecostore, Bambike Ecotours, at iba pang mga negosyong makakalikasan.

Ayon pa sa Caritas Manila, ilalaan ang kikitain ng nakatalagang Segunda Mana Store sa Eco-expo sa mga scholar sa ilalim ng Programang Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) na may limang libong college scholars sa iba’t ibang bahagi ng bansa kada taon.

“Magkakaroon din ng thrifting for a cause sa tulong ng Segunda Mana ng Caritas Manila! Upon entry, pwede kang mag-donate ng iyong mga pre-loved items, at ang proceeds mula sa pagbebenta ng mga ito ay mapupunta sa pag-aaral ng mga estudyanteng nangangailangan,” bahagi pa ng mensahe ng Ecowaste Coalition.

Kahanay din ang Siklo Eco-expo sa mga adbokasiya ng Economy of Francesco Foundation na itinatag noong 2019 upang isulong ang bagong sistema sa ekonomiya na hindi isinasantabi ang mga pinakanangangailangan tungo sa pag-unlad kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 82,461 total views

 82,461 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 96,038 total views

 96,038 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 124,602 total views

 124,602 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 172,317 total views

 172,317 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 161,612 total views

 161,612 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top