Caritas Philippines, nagpahayag ng pagbati sa kauna-unahang obispo ng Diocese ng Prosperidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,479 total views

Nagpahayag ng pagbati ang social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkakatalaga kay Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang unang obispo ng bagong tatag na Diyosesis ng Prosperidad sa Agusan del Sur.

Nagagalak ang Caritas Philippines sa panibagong misyon ni Bishop Labajo ay magbubunsod upang higit na maipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano sa bagong diyosesis.

Tiwala ang institusyon na sa ilalim ng pamumuno ni Bishop Labajo, ang Diyosesis ng Prosperidad ay magdudulot ng positibong pagbabago at pag-unlad sa pamayanan, lalo na sa buong lalawigan ng Agusan del Sur.

Dalangin ng Caritas Philippines na ang pamamatnubay ni Bishop Labajo ay hindi lamang magpatatag sa simbahan kundi maging simbolo ng pag-asa para sa mga nangangailangan at mga nasa ilalim ng kanyang pangangalaga.

“We are confident that under Bishop Labajo’s leadership, the Diocese of Prosperidad will continue to grow and flourish, bringing hope and compassion to the people of Agusan del Sur,” saad ng institusyon.

October 15, 2024 nang itatag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Diyosesis ng Prosperidad at itinalaga si Bishop Labajo bilang unang obispo.

Inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ni Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na hatiin ang Diyosesis ng Butuan upang higit na mapangalagaan ang pastoral at espiritwal na pangangailangan ng nasa halos kalahating milyong katoliko ng Agusan del Sur, kung saan 1/3 ng populasyon ay mga katutubo kaya’t itinuturing ang lugar bilang mission frontier.

Ang Diyosesis ng Prosperidad ang ika-87 diyosesis ng Pilipinas, at magiging suffragan diocese ng Archdiocese of Cagayan de Oro.

Si Bishop Labajo ay itinalaga ni Pope Francis bilang auxiliary bishop ng Cebu noong June 2022, at ginawaran ng episcopal ordination noong August 19, 2022, na may episcopal motto na ‘Humiliter Ambulare Coram Deo’ o ‘To walk humbly before the Lord’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 82,643 total views

 82,643 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 96,220 total views

 96,220 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 124,784 total views

 124,784 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 172,494 total views

 172,494 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 161,775 total views

 161,775 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top