Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

SHARE THE TRUTH

 81,123 total views

Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay.

Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) na Resilience Program (RePro) ay sumailalim ang ilang kabataang PDLs at Children in Conflict with the Law (CICLs) mula sa Medium Security Camp ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa sa 18 weeks of self-discovery and empowerment.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, umaasa ang PJPS na mabuksan ang kamalayan ng mga kabataang naligaw ng landas upang higit na maging matatag sa pagharap sa mga hamon ng buhay at patuloy na magkaroon ng pag-asa para sa kanilang hinaharap.

Katuwang ng PJPS sa pagsasakatuparan ng inisyatibo para sa mga PDLs ang Ruben M. Tanseco, S.J. Center for Family Ministries (RMT-CEFAM) na kapwa naniniwalang mahalaga ang patuloy na paglingap sa mga naligaw ng landas upang makabalik sa piling ng Panginoon.

“This psycho-spiritual, strengths-based initiative has become a cornerstone of the Philippine Jesuit Prison Service Foundation, Inc. (PJPS), guiding these youth to uncover their True Selves and build resilience traits that to help them rise above life’s challenges.” Bahagi ng pahayag ng PJPS.

Napapanahon din ang iba’t ibang programa at inisyatibo ng PJPS kung saan ginugunita tuwing huling linggo ng Oktubre ang Prison Awareness Week na isang pagkakataon upang maipaalala ng Simbahan sa bawat isa na ipanalangin ang kapakanan, pagbabago at pagbabalik-loob ng mga bilanggo sa buong bansa.

Nakatakda ang 37th Prison Awareness Week sa ika-21 hanggang ika-27 ng Oktubre, na may tema ngayong taon na “The Church thru the VIPS: Partners of the PDLS in their Journey Towards Wholeness with full of Hope.”

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,706 total views

 69,706 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,481 total views

 77,481 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,661 total views

 85,661 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,273 total views

 101,273 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,216 total views

 105,216 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 22,837 total views

 22,837 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,507 total views

 23,507 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top