Pagbebenta, pagbili ng boto: Pagkakait sa pagkakaroon ng mahuhusay na pinuno ng bayan, ayon sa Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,722 total reads

“We need to give our country a chance to change.” Ito ang hamon ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan hinggil sa nalalapit na 2025 midterm national and local elections.

Sinabi ng obispo na isa mabisang paraan upang makamit ang tunay na pag-unlad ang paglaban sa talamak na vote buying tuwing halalan.

“Vote buying is the root of the corruption that remains the biggest barrier to our national development; corruption will remain as long as the practice of vote-buying continues,” pahayag ni Bishop Uy.

Binigyang diin ni Bishop Uy na kung hahayaan ang mga kandidatong mamili ng boto sa darating na halalan ay malaki ang posibilidad na gagawa ito ng paraang makabawi ng kanilang gastos sa pamamagitan ng korapsyon mula sa pondo ng bayan.

Iginiit ng opisyal na ang pagbibenta ng boto tuwing halalan ay pagsasayang ng panahong makapili ng taong nakahandang maglingkod sa interes ng nakararami at magsusulong ng pangkalahatang pag-unlad ng lipunan.

“If vote buying continues many good and capable people will no longer run for office, they wouldn’t have the interest to run during elections; we are really depriving ourselves of good or great leaders because we are not giving them the chance to win,” giit ni Bishop Uy.

Dahil dito hinimok ni Bishop Uy ang mahigit 60 milyong Pilipinong botante na aktibong makilahok sa halalan at bumoto ng wastong kandidatong tapat ang hangaring paglingkuran ang bayan.

Gayunpaman bagamat itinakda ng Commission on Elections sa Pebrero ng susunod na taon ang campaign period ilang kandidato na ang umiikot sa iba’t ibang lugar sa bansa kaya’t pinaalalalahanan itong sundin ang wastong panahon ng pangangampanya alisunod sa itinakda ng komisyon.

Noong Agosto inilunsad ng multisectoral group kabilang na ang simbahan ang nonpartisan movement na ANIM: Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan na layong labanan ang korapsyon, political dynasty at isulong ang tunay na reporma, good governance, social justice, economic development, at national security.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 11,433 total reads

 11,433 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 194,676 total reads

 194,676 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 226,408 total reads

 226,408 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 328,231 total reads

 328,231 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 368,788 total reads

 368,788 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 381,474 total reads

 381,474 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top