Arsobispo ng Cebu, nanawagan ng suporta sa “One million children praying the rosary”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,510 total reads

Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na suportahan ang inisyatibo ng Aid to the Church in Need na ‘One million children praying the rosary’.

Ayon sa arsobispo mahalagang tulungan ang mga batang mahubog ang pananampalataya at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon.

Aniya nararapat suportahan ang mga kabataan at magbuklod ang pamayanan sa pananalangin lalo na sa natatanging intensyon na makamit ang kapayapaan ng daigdig.

“Please support the One Million Children Praying the Rosary campaign. How beautiful to imagine that at this early age, they are united in honoring Mama Mary. Let us come together in prayer to attain peace in every corner of the world,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Sinabi ng arsobispo mahalaga ang mga panalangin para sa kaayusan sa mga bansa sa Middle East na kasalukuyang nahaharap sa iba’t ibang banta ng karahasan gayundin ang iba pang lugar sa Europa.

Sa October 18 kasabay ng kapistahan ni San Lucas, ebanghelista ay muling isasagawa ng ACN ang sabayang pananalangin ng Santo Rosaryo para sa pagkakaisa at kapayapaan ng sanlibutan.

Gayundin ang kaligtasan ng mga kristiyanong nakararanas ng pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya.
Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “Pray the Rosary and there will be peace” na isa sa mga kahilingan ng Mahal na Birhen ng magpakita sa tatlong bata sa Fatima Portugal.

Isasagawa ng ACN Philippines ang One Million Children Praying the Rosary na Tinig ng Pag-asa ng mga Munting Alagad sa Malolos Cathedral – Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica ng Diocese of Malolos sa alas nuwebe ng umaga.

Sa mga lalahok sa gawain maaring i-download ang prayer kits sa millionchildrenpraying.org. para magamit bilang gabay sa pananalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 12,656 total reads

 12,656 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 73,154 total reads

 73,154 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 94,813 total reads

 94,813 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 175,468 total reads

 175,468 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 276,514 total reads

 276,514 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top