5,933 total views
Inaanyayahan ni Fr Anton CT Pascual – Caritas Manila Executive Director ang mamamayan na makiisa at makibahagi sa Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon na idadaos sa lunes, ika-28 ng Oktubre 2024 sa himpilan ng Radio Veritas simula ika pito ng umaga hanggang ika anim ng gabi .
Layon ng telethon na makalikom ng sapat na pondo ang Social Arm ng Archdiocese of Manila na gagamitin sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol Region, Batangas, Quezon Province at sa iba pang bahagi ng Pilipinas.
“Sa darating na Lunes magkakaroon po tayo ng Telethon sa ating Radyo Veritas upang makatulong tayong makalikom ng pondo incash and inkind sa may dalawang milyong biktima ng Bagyong Kristine na tumama sa Bicol Region, Northern Luzon, pati narin sa Central Luzon at Southern Tagalog, nawa dahil hindi po tayo masyadong tinamaan sa Metro Manila ay tumulong po tayo sa ating abuloy sa Caritas Manila at Damayan for Typhoon Kristine 2024,” paanyaya ni Fr.Pascual
Unang nagbigay ang Caritas Manila ang paunang tulong na nagkakahalaga ng 1.2 million pesos sa anim na diyosesis na apektado ng pananalasa ng bagyo.