Problema sa mental health ng kabataan, tinututukan ng Unilab

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,110 total reads

Tiniyak ng Unilab Foundation ang pakikipagtulungan sa ibat-ibang sektor ng lipunan upang mapalawak ang pangangalaga sa mental health ng mga kabataan.

Inihayag ni Unilab Senior Technical Consultant at Mental Health Advocate Dr.Sheila Marie Hocson na kanilang paiigtingin ang pagtugon sa suliranin ng lumalalang mental health crisis sa Pilipinas.

Ayon kay Hocson, layunin ng institusyon na mapalawak ang programa kung saan maging ang mga guro, volunteers at nais maging mental health advocate ay magsisilbi upang mapangalagaan ang kalusugang mental ng mga estudyante.

Hangarin ng institusyon na maiwasan ang paglala ng mga kaso ng depression, anxiety at higit na ng sucide sa mga kabataan.

“Definitely pag mas maaga po na-diagnose mas maaga yung treatment plan mas mape-prevent yung severity, kasi karamihan ng suicidal cases natin is also relapse, ibig sabihin mayroon palang disorder tapos biglang kumausap lang or nag-exercise na wala na, pero hindi forever nawawala so narerelapse,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Hocson.

Tiwala si Hocson na ang programang “HeadsUp PH’ sa tulong ng ‘Integrated approach to school-based Mental Health’ project ay mapapalalim ang kaalaman ng mga guro at nais maging bahagi ng pangangalaga sa kalusugang mental ng mga kabataan.

Ngayon ay umaabot sa na sa 200 ang trainers ng proyekto na nahasa na ang kaalaman sa pangangalaga ng mga recepient.

Makikipagtulungan din ang grupo sa Department of Education at Commission on Higher Education upang mapabilis at higit na mapalawak ang naabot ng proyekto sa Pilipinas. “So importante po talaga na sana nga, prevention rather than early detection, so we still definitely is for the awareness, prevention, intervention and then definitely the post management,” bahagi pa ng panayam kay Hocson.

Ayon kay Hocson, batay sa mga pag-aaral ng World Health Organization, sa Pilipinas, 404 estudyante sa mga pampublikong paaralan ang naiulat na nagpatiwakal noong School Year 2021-2022, habang umabot naman sa 574-thousand ang bilang ng mga kabataang Pilipino ang sumubok na magpatiwakal noong 2021 dahil sa mga suliranin sa kanilang mental health.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 42,549 total reads

 42,549 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 80,152 total reads

 80,152 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 115,449 total reads

 115,449 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 341,719 total reads

 341,719 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 232,616 total reads

 232,616 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top