Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pinakamapinsalang lindol sa Bohol, inalala

SHARE THE TRUTH

 13,850 total views

Isinagawa ng Diocese of Tagbilaran ang Day of Prayer para gunitain ang mga biktima ng magnitude 7.2 na lindol 11-taon ang nakalilipas.

Ayon kay Bishop Alberto Uy, bagamat mahigit isang dekada na ang nakalipas sa mapaminsalang lindol ay patuloy pa rin ang pagbangon ng mga Boholano sa tulong at gabay ng Panginoon. “Let us remember that through the darkest of times, the light of hope and solidarity shines ever brighter. The strength and unity of our community have shown the world the unwavering spirit of Boholanos,” mensahe ni Bishop Uy.

Kaugnay nito pinatunog ng mga simbahan sa Bohol ang kampana kaninang alas 8:12 ng umaga upang alalahanin at ipagdasal ang mga biktima ng trahedya lalo na ang mga nasawi. Hiling ng obispo sa mamamayan ang patuloy na panalangin para sa katatagan, kalakasan gayundin ang paghilom mula sa karanasan ng malakas na lindol.

“Let us pause and reflect on the journey we have traveled since that fateful day. Let us also reflect on the grace of God, which has guided us through these years of rebuilding and healing,” ani Bishop Uy.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council tinatayang nasa dalawang bilyong piso ang kabuuang halaga ng pinsala sa imprastruktura, gusali at mga ari-arian sa lalawigan. Sa kasalukuyan isang simbahan nalang ang patuloy na isinasaayos mula sa 25 simbahang lubhang napinsala sa lindol ang Holy Rosary Parish sa bayan ng Antequera.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Awa at hustisya

 9,759 total views

 9,759 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 49,470 total views

 49,470 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 110,175 total views

 110,175 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 122,564 total views

 122,564 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 144,946 total views

 144,946 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top