Protektahan ang mga mahihirap na pangunahing biktima ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 465 total reads

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga opisyal ng pamahalaan at mga dadalo sa gaganaping Laudato Si Conference ng buong Ecclesiastical Province of Manila.

Ayon sa Kardinal, hindi na bago sa mga Filipino ang mga karanasang dumaraan taun-taon dahil sa pananalanta ng mga kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima.

Inihalimbawa ng Arsobispo ang palakas nang palakas na mga bagyo, mahahabang panahon ng tag-init, tag-ulan at mga lindol.

Dahil dito, naniniwala si Kardinal Tagle na mahalaga at napapanahon ang pagpapalalim ng kaalaman ng mga mananampalataya patungkol sa nilalaman ng Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis.

Ayon sa Kardinal, ang sama-samang pag-aaral at pagpapalalim ng pag-unawa ng mga mananampalataya ang magiging tugon sa kinakailangang pag-aalaga ng kalikasan na matagal nang naipagkait ng mga tao.

“Hindi na po lingid sa ating kaalaman lalo na sa ating karanasan bilang mga Filipino ang malaking pagbabago na nangyayari sa ating kapaligiran … Hindi na nga po natin alam kung kailan sumasapit ang dry season at wet season, nandyan pa ang lindol at palala din ng palala ang kahirapan, at kapag mayroon pong mga nasasalanta, ang higit na nagdurusa ay ang mga walang-wala.” Pahayag ni Kardinal Tagle sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, umapela si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, sa mga Sufragan Dioceses ng Ecclesiastical Province of Manila na magpadala ng kanilang kinatawan na makikilahok sa pag-aaral.

Ayon sa Obispo, marami sa mga karaniwang tao ang wala pang kaalaman tungkol sa encyclical na Laudato Si kaya naman mas maipapakalat ang turo ni Pope Francis kung ang mga kinatawan ng bawat simbahan ang magpapalaganap nito sa iba pang mananampalataya sa kanilang lugar.

“Lahat ng Sufragan [Dioceses] sana ay magpadala ng mga tao para sa Laudato Si [Conference] bigyan nating halaga ito kasi talang urgent ang nangyayari sa ating lipunan at sa ating kapaligiran, kaya sana maging mas conscious tayo kasi maraming mga tao ang hindi pa masyadong nakakaalam ng Laudato Si, dahil sa hindi pa nila alam ang Laudato Si, hindi pa nila nabibigyang halaga ang tungkulin natin sa inang kalikasan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Umaasa ang Obispo na sa tulong ng Laudato Si Conference ay dadami pa ang environmental warriors sa Pilipinas na magtataguyod ng tamang pangangalaga sa kalikasan at magpapalaganap ng mga turo ng Santo Papa kaugnay sa pagmamahal sa kapaligiran.

Sa kasalukuyan tinatayang 700 na ang mga rehistradong delegado ng Laudato Si Conference 2018.

Bukas pa rin ang pagtitipon para sa lahat ng nagnanais dumalo sa loob man o sa labas ng Ecclesiastical Province of Manila.

Magpadala lamang ng email sa [email protected] o kaya ay tumawag o mag text sa mga numerong 02-562 3470 at 0908 869 0211.

Ang Laudato Si Conference 2018 ay gaganapin sa ikalawa at ikatlong araw ng Pebrero simula alas siyete ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa De La Salle Univerity Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,332 total reads

 49,332 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,020 total reads

 129,020 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,467 total reads

 162,467 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,765 total reads

 197,765 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,364 total reads

 422,364 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,626 total reads

 37,626 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,515 total reads

 30,515 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top