Public Safety Nalalagay Sa Peligro Dulot Ng Corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 115,732 total views

Nakakalungkot ang trahedyang nangyari sa Cebu, 72-katao ang namatay sa 6.9 magnitude na lindol sa yumanig sa lalawigan., 294 katao ang nasugatan at mahigit sa 20,000 ang lumikas sa kanilang tahana habang mahigit sa 600-bahay ang winasak ng lindol.

Dahil sa malakas na lindol, marami sa mga pangunahing imprastraktura ang nasa panganib na estado, ang masaklap ay nagiba. Sinasabi ng maraming mamamayan na hindi basta-basta mabubuwal ng malakas na lindol ang San Remigio Sports complex, pero dahil sa substandard na paggawa, gumuho ito.

Inamin mismo ni DPWH Engineer Brice Hernandez na lahat ng gusali na kanilang itinayo ay substandard dahil sa kurakot. Mura at mahihinang materyales ang ginamit sa konstruksyon. Ngunit, walang patunay na ang mga nawasak at gumuhong imprastraktura sa Cebu ay produkto ng korapsyon.

Hindi malayo ang ganitong trahedya sa pananalasa ng natural na kalamidad tulad ng lindol na tumama sa Cebu. Ang malinaw Kapanalig, nalalagay sa panganib ang public safety dahil sa korapsyon. Naranasan at nasaksihan natin ang pinsalang dulot ng mga depektibong flood control project sa Metro Manila at karatig lalawigan, mayroong nasawi nang malunod sa rumagasang tubig baha, maraming bahay ang naanod at nalubog sa mabilis na pagtaas ng tubig tuwing umuulan., maraming pananim ang nasira, maraming lansangan ang hindi madaanan., maraming kabuhayan ang winasak ng baha.

Sinasabi na mayroong dalawang trahedya na dulot ang korapsyon. Una-financial aspect kung saan ang pondo ay pinaghati-hatian habang tinipid at barya na lamang ang ginastos sa mga proyekto. Kung wala ang korapsyon, matitibay sana ang mga proyekto., pinapahina nito ang quality ng public investments. Pangalawa-matindi ang epekto nito sa mga mahihirap at mga bulnerable, pinapalala ng corruption ang “inequality”, nawawalan ng access ang mga kapuspalad sa kalusugan, edukasyon, tubig, elektrisidad at iba pang serbisyo publiko.

Dahil sa korapsyon, tumataas ang daily cost of living, tumataas ang bayarin sa tubig, kuryente, pinapasan ng mga ordinaryong mamamayan ang mataas na pamasahe, mataas na presyo ng pagkain at pangunahing pangangailangan. Tumataas din ang bilang ng mga walang trabaho, kung saan dadami ang maghahangad na mangibang bansa para magtrabaho.

Alam nating lahat, mahigit-kumulang sa 20-bagyo ang tumatama sa Pilipinas kada-taon. Hindi na nakakagulat ang World Risk Report 2025 kung saan ang Pilipinas ang bansang may pinakamataas na panganib sa sakuna sa buong mundo. Dahilan nito ay mga pagbaha sa mababang lugar na pinalala ng urbanisasyon.

Kapanalig, kung hindi masasawata at matutuldukan ang sistematikong korapsyon sa alinmang sangay ng pamahalaan, lalong malalagay sa panganib ang buhay ng maraming Pilipino, ang pondong nakalaan sa serbisyo publiko ay nalulusaw lamang at hindi napapakinabangan ng taumbayan.

Kinilala ng Compendium of the Social Doctrine of the Church (447) ang political corruption is one of the causes that greatly contributes to underdevelopment and poverty especially in developing countries. The people who suffer the worst brunt of political corruption are the poor and the powerless.”

Sinasabi naman ng Exodus 6:8-“You shall not pervert the justice due to your poor in his suit…And you shall take no bribe, for a bribe blinds the officials and subverts the cause of those who are in the right.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 6,939 total views

 6,939 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 77,051 total views

 77,051 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 151,665 total views

 151,665 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 231,744 total views

 231,744 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 274,858 total views

 274,858 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ACCOUNTABILITY

 6,940 total views

 6,940 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 77,052 total views

 77,052 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 151,666 total views

 151,666 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 231,745 total views

 231,745 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »
Scroll to Top