Publiko, binalaan ng Diocese of Cubao sa kumakalat na fake solicitation kay Bishop Ongtioco

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 323 total views

Nagbabala ang Diocese ng Cubao sa publiko hinggil sa kumakalat na fake news tungkol kay Bishop Honesto Ongtioco.

Batay sa inilabas na pahayag ng Diyosesis, may kumakalat na text message kung saan humihingi ng tulong pinansyal para sa pagpagamot ng Obispo dahil sasailalim ito sa triple by-pass surgery.

Nilinaw ng Diocese na walang katotohanan ang mensahe at nasa mabuting kalusugan si Bishop Ongtioco kaya’t hinimok ang mananampalataya na iwasan ang pagbibigay ng pera kung makatatanggap ng nasabing mensahe.

Bukod sa text messages, gumawa rin ng pekeng facebook account na ‘Nes Ongtioco’ ang hindi pa natukoy na indibidwal at humihingi rin ng pera para sa kaparehong kadahilanan.

Iginiit ng pamunuan ng Diocese na iisa lang ang opisyal na FB account ng Obispo na may pangalang ‘Honesto F. Ongtioco’ at pinaalalahanan ang bawat mananampalataya na tanggapin lamang ang friend request mula sa opisyal na account.

Ikinalungkot ng Diyosesis ang mapanlinlang na intensyon ng nagpapakalat ng pekeng impormasyon.

Tinitiyak naman na kaisa ang buong Diocese sa paglaban sa fake news sa lipunan na unang tinukoy ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na isang uri ng pagnanakaw; pagnanakaw ng pagkatao at dignidad ng tao.

Hiling ng Diocese na makipagtulungan ang mga tao sa isasagawang imbestigasyon partikular na ang mga nakatanggap ng mensahe.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 90,078 total views

 90,078 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 90,078 total views

 90,078 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 90,078 total views

 90,078 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 87,369 total views

 87,369 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 79,803 total views

 79,803 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top