Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Publiko, dapat mahubog sa prinsipyo ng demokrasya

SHARE THE TRUTH

 266 total views

Kinakailangan pang mas mahubog ang sambayanan sa prinsipyo ng demokrasya para sa mas aktibong partisipasyon sa mga usaping panlipunan.

Ito ang nakikitang paraan ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez – Chairman ng Ecumenical Bishops Forum upang maging malinaw sa bawat mamamayan ang kanyang pananagutan at karapatan sa bayan.

“Ang malaki sigurong bagay na dapat nating sikaping harapin ay yung katotohanan na napakarami sa ating mga mamamayan ang ni hindi nila alam na sila ay bahagi ng sambayanan, na meron silang mga pananagutan, na meron silang mga karapatan samantalang yan ang esensya ng demokrasya kaya kailangan pa rin natin na talagang mahubog sa mga prinsipyo ng demokrasya na siyang tinanggap natin bilang isang sambayanan…” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Iniguez sa panayam sa Radio Veritas.

Bukod dito, pagbabahagi pa ng Obispo kinakailangan rin ang pagtutulungan upang tuluyang mapaunlad ang bayan partikular na ang buhay ng mga mahihirap.

Kaugnay nito, sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) Survey sa huling bahagi ng 2015, naitala na nasa 50-porsyento ng pamilyang Filipino ang nagsabing sila ay mahirap o katumbas ng may 11.2-milyong pamilyang Filipino na pinakamababang antas ng Self-Rated Poverty rate sa bansa mula noong maitala ang 49 na porsyento taong 2011.

Magugunitang sa naganap na pagbisita sa Pilipinas ni Pope Francis Enero ng taong 2015, hinamon nito ang lahat ng sektor ng lipunan na talikdan at iwasan ang anumang uri ng katiwalian na umaangkin sa pondong nararapat para sa mga mahihirap.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 8,387 total views

 8,387 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 19,870 total views

 19,870 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 35,559 total views

 35,559 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 36,341 total views

 36,341 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 46,083 total views

 46,083 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 6,970 total views

 6,970 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top