Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

SHARE THE TRUTH

 93,615 total views

Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo?

Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura. Nakikita natin sa kanila ang isang tao na gusto nating maging o sundan. Itinuturing natin sila bilang mabubuting halimbawa. Hindi naman ito mali, pero paalala nga sa Galacia 4:18, “Hindi masama ang magpahalaga, kung mabuti ang layunin…”

Nagiging mapanganib na ang pag-idolo sa isang tao kung nauuwi na ito sa panatisismo. Kahit may mga ugali ang mga iniidolo na hindi tanggap ng iba o salungat sa inaasahan ng marami, mabuti at malinis pa rin sila sa mga mata ng mga panatiko. Kulang na lang ay sambahin nila ang mga idolo nila. Kung kakailanganin, handa silang magsakripisyo para sa tinitingala nila. 

Ganito marahil ang nag-udyok sa mga tagasuportang OFW ni dating Pangulong Duterte. Hindi nila tanggap ang pag-aresto sa kanilang iniidolong lider. Ramdam pa rin natin hanggang ngayon ang kanilang lungkot, galit, at hinanakit. Para igiit ang panawagan nilang pauwiin na sa Pilipinas ang dating presidente, nagdeklara silang hindi sila magpapadala ng remittance sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Naglunsad sila ng tinatawag nilang zero remittance week mula March 28 hanggang April 4.

Hindi natin maitatangging nakamamangha ang pagmamahal nila sa dating lider ng bansang humaharap sa kasong crimes against humanity. Marubdob marahil ang kanilang dasal sa Diyos na minsang tinawag na “stupid” ng kanilang idolo. Maliban sa pagiging mga bagong bayani ng ating bayan—salamat sa kanilang ipinapasok na pera para suportahan ang mga pamilya nila dito—handa rin nilang magsakripisyo para sa itinuturing nilang “tatay.”

At hindi lang perang pangsuporta sa kanilang pamilya ang handa nilang isakripisyo. Sa bansang Qatar, nagkilos-protesta ang mga umiidolo kay dating Pangulong Duterte kahit pa alam nilang ipinagbabawal ito ng pamahalaan doon. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, 17 na kababayan natin ang inaresto at ikinulong ng awtoridad. “Unauthorized political demonstration” ang turing ng gobyerno ng Qatar sa ginawa ng mga OFW.

Noong 2024, hindi bababa sa 8% ng ating gross domestic product—o yamang gawa o likha dito sa Pilipinas—ang katumbas ng remittances na ipinadala ng mga OFW. Mahigit 38.84 bilyong dolyar ito, mga Kapanalig. Mahigit dalawang milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa ibang bansa, at karamihan sa kanila ay mga contract workers. Mapipilay ang ating ekonomiya kung wala sila. 

May mga duda kung may epekto nga ba sa ating ekonomiya ang isang zero remittance week na panawagan ng mga tagasuporta ng dating presidente. May mga naniniwala ding hayaan na lamang ng ating gobyerno na harapin ng mga inaresto sa Qatar ang bunga ng kanilang ginawa. Anuman ang kahinatnan ng mga ito, malinaw na hatî ang ating bayan, lalo na sa usaping pulitika. 

Ito ang nakalulungkot. Sa isang banda, nauwi na sa panatisismo ang pag-idolo ng iba sa mga pulitiko, at may mga sinasamantala naman ito. Sa kabilang banda, mabilis ikahon at husgahan ng iba ang mga kababayan nating may ibang paninindigang pulitikal, at lalo silang itinutulak papalayo. 

Malayo ang nangyayari sa atin ngayon sa hangarin ng ating Simbahan na ang pulitika ay dapat na nagtutulak sa ating maging bahagi at makibahagi sa kinabibilangan nating bayan. Ito ay dapat na nag-uudyok sa ating maging parte ng pinagsasaluhan nating pagkakakakilanlan, o shared identity sa Ingles. Para mangyari ito, dapat mamayani ang pag-ibig (o caritas). Pag-ibig ang dapat nasa puso ng pulitika. 

Mga Kapanalig, ang pulitikang lumilikha ng hidwaan ay isang pulitikang hindi nakaugat sa pag-ibig. Napakalaki pa nga ng kailangan nating gawin—kasama ang Simbahan—para umiral ang isang pulitikang hindi nakabatay sa panatisismo, hindi ginagatungan ng pang-iinsulto. 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 77,660 total views

 77,660 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 85,435 total views

 85,435 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 93,616 total views

 93,616 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 109,182 total views

 109,182 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 113,125 total views

 113,125 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 77,661 total views

 77,661 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 85,436 total views

 85,436 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 109,183 total views

 109,183 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 113,126 total views

 113,126 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 60,088 total views

 60,088 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 74,259 total views

 74,259 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 78,048 total views

 78,048 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 84,937 total views

 84,937 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 89,353 total views

 89,353 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 99,352 total views

 99,352 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 106,289 total views

 106,289 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,529 total views

 115,529 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 148,977 total views

 148,977 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 99,848 total views

 99,848 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 104,910 total views

 104,910 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top