Quiapo church, ini-alay ang pagkilalang iginawad ng Catholic Social Media Awards sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 954 total reads

Isang hamon sa pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang pagkilalang iginawad ng Catholic Social Media Awards 2020 na Best Parish Facebook Page upang higit pang pag-ibayuhin ang pagiging daluyan ng ebanghelyo ng Simbahan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Msgr. Hernando “Ding” Coronel – Rector at Parish Priest ng Quiapo Church, kaisa ang lahat ng mga deboto at mga mananamapalataya ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa karangalan at responsibilidad na kaakibat ng pagkilala sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos lalo na sa pamamagitan ng social media.

“Nakatanggap po tayo ng award mula sa Catholic Social Media Awards 2020 at ang napanalunan po natin tagumpay po natin lahat ito ay Best Parish Facebook Page, Best Parish Facebook Page karangalan ito at responsibilidad at tayong lahat kasama dito kasi napakalaki po ng ating komunidad na sumusubaybay sa pamamagitan ng Social Media.” pahayag ni Msgr. Hernando “Ding” Coronel.

Ibinahagi ni Msgr. Coronel na bago lumaganap ang COVID-19 pandemic sa bansa ay mayroon lamang halos isang milyong Facebook followers ang Facebook page ng Quiapo Church na umabot sa mahigit tatlong followers ngayong panahon ng pandemya.

Ipinaliwanag ng Pari na ang pagkilala ng Catholic Social Media Awards 2020 sa Quiapo Church bilang Best Parish Facebook Page ay isa ring patunay sa kapangyarihan ng sama-samang taimtim na pananalangin ng bawat mananamapalataya maging sa gitna ng mga limitasyon at sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan.

“Ang ating followers sa Facebook bago ang pandemya kulang kulang isang milyon ngayon tatlong milyon at mga nagmamahal, naglilingkod sa Senior [Mahal na Poong Hesus Nazareno] kaya yung mga dasal natin sa isa’t isa napapakinggan kung tayo ay nagtutulong tulong, iba ang positibong lakas ng dasal kung pinagbigkis bigkis sa harap niya, iba na talaga ang Facebook, iba na ang Social Media.” Dagdag pa ni Msgr. Coronel.

Unang nanawagan at hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluyang pamamaraan at pagpapalaganap ng ebanghelyo ang mga modernong gadget partikular na ang internet at social media na dapat ituring na isang pambihirang biyaya ng Panginoon para sa pakikipagkumunikasyon.

Sa isang dokumento ng Vatican na may titulong Church and the Internet, sinasabing mahalagang magamit din ng Simbahan ang makabagong teknolohiya tulad ng internet para ipahayag ang misyon at Mabuting Balita ng Panginoon.

Sa tala mula sa mahigit 100-milyong populasyon ng Pilipinas may tinatayang 47-milyon ang active Facebook users sa buong bansa.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 22,674 total reads

 22,674 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 22,961 total reads

 22,961 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 47,614 total reads

 47,614 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 168,678 total reads

 168,678 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 219,040 total reads

 219,040 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 346,096 total reads

 346,096 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 429,133 total reads

 429,133 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top