Quiapo church, nagpapasalamat sa matagumpay na Traslacion 2019

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 635 total views

Emosyunal na ibinahagi ni Father Danichi Hui, Parochial Vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o St. John the Baptist Parish ang kaniyang personal na karanasan sa pakikibahagi sa Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ayon sa Pari, ito ang kaniyang unang taon na maging bahagi ng Traslacion, bilang isang bagong pari na naitalaga sa Quiapo Church.

Labis ang pagkamangha ni Father Hui sa ipinamalas na mainit na pananampalataya at debosyon ng mga Filipino sa Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Aniya, ito ang nagpapatunay na buhay ang Diyos at mararamdaman ng bawat mananampalataya ang kaniyang awa at pagmamahal kung magiging bukas ang bawat isa sa Panginoon.

“Very emotional I must say kasi hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, naluluha ako ngayon kasi grabe ang pananampalataya ng pinoy. Grabe kung makakapit, grabe kung umasa sa Diyos… Totoo at buhay ang Diyos, mararamdaman natin ang awa at pagmamahal ng Diyos basta’t buksan lang natin ang ating sarili, basta’t ibigay lang natin at isuko natin sa Diyos ang ating sarili.” pahayag ni Father Hui sa Radyo Veritas.

Lubos din ang pasasalamat ng pari sa lahat ng nakiisa lalo na sa mga tumulong sa paghahanda hanggang sa matagumpay na pagdaraos ng Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ayon sa Pari, ang pagdiriwang na ito ng Simbahang Katolika ay nagpakita ng maayos na pagsasamahan ng pamahalaan at ng simbahan.

Naniniwala si Father Hui na hindi ito kakayaning mag-isa ng simbahan dahil ang bawat organisasyon at mga ahensya ay malaking bahagi ng tagumpay ng Traslacion ngayong 2019.

Dagdag pa ng Pari, sa unang pagtataya ng Philippine National Police ay mahigit sa apat na milyon ang mga nakiisang deboto simula pa sa Banal na Misa sa Quirino Grandstand hanggang sa magtapos sa Quiapo Church ang Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 90,080 total views

 90,080 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 90,080 total views

 90,080 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 90,080 total views

 90,080 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 87,371 total views

 87,371 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 79,805 total views

 79,805 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 285,658 total views

 285,658 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top