RA 11058, pagpapahalaga sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

 1,456 total views

Inihayag ng Department of Labor and Employment na positibong pagsulong sa karapatan ng mga manggagawa ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act (RA) 11058, o An Act Strenghtening Compliance with Occupational, Safety and Health (OSH) Standards.

Ayon kay DOLE Undersecretary Joel Maglunsod ng Labor Relations Special Concerns and Regional Operations, malaking tulong sa mga manggagawa sa Pilipinas ang pagsasabatas ng Occupational Safety and Health upang matiyak na ligtas ang bawat manggagawa sa lugar na kanilang pinagtatrabahuan.

Landmark legislation ito since matagal na itong hinihintay ng ating mga mamamayan. Kasi totoo namang may batas na OSH pero kulang sa ngipin kaya’t pinalalakas ito ng Pangulo.”pahayag ni Maglunsod.

Sinabi ni Maglunsod na dahil sa batas ay maari nang humiling ang mga manggagawa sa mga kumpanya ng maayos at komportableng lugar ng trabaho tulad na lamang ng proper ventilation, angkop na mga kagamitan at angkop na mga kasuotan na magpoprotekta sa kalusugan ng mga manggagawa.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang RA 11058 noong ika – 17 ng Agosto kung saan sinasaad din dito ang pagpataw ng parusa tulad ng pagmumulta ng hanggang 100, 000 piso sa mga kumpanyang lalabag.

Inihayag ni Maglunsod na sinisikap ng D-O-L-E na madadagdagan pa ang mahigit 500 labor laws compliance officers hanggang sa 2, 000 upang matiyak na susunod ang mga kumpanya sa mga itinakdang batas hinggil sa mga manggagawa.

Hinimok din ng opisyal ang mga manggagawa na agad ipagbigay alam sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE ang mga iregularidad ng mga kumpanya upang magsagawa ng agarang imbistigasyon ang ahensya.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika binigyang diin nito ang kahalagahan sa pagbibigay pansin sa mga manggagawa na bukod sa ligtas ng pagtatrabahuan ay mahalaga ring mabigyan ito ng tamang pasahod at benepisyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 1,832 total views

 1,832 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 20,804 total views

 20,804 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 53,469 total views

 53,469 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 58,601 total views

 58,601 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 100,673 total views

 100,673 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

50-pesos na wage hike, binatikos

 13,483 total views

 13,483 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top