Walang cover-up

SHARE THE TRUTH

 237 total views

Ito ang tiniyak ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa “Pope’s letter to People of God” kaugnay sa findings ng Pennsylvania Grand Jury sa sexual abuse ng mga pari.

Sinabi ni Bishop Santos na nagsalita na si Pope Francis na kailangang pakinggan at sundin ng mga Pari, religious at consecrated persons.

“Rome has spoken. We must listen and much more Obey.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas

Ayon kay Bishop Santos, napapanahon ang taimtim na pagdarasal, pag-aayuno at penetensiya tungo sa paghilom ng mga sugat.

“Yes it is time for Deep prayer, Contrite penance, Concrete help and Healing to all.” pagninilay ni Bishop Santos.

Inamin ng Obispo na nakakahiya at kasalanan ang sexual abuse ng mga taong Simbahan.

Ayon sa Obispo, nararapat na arugain ng may malasakit ang mga biktima ng sexual abuse at kailangang i-canonically sanctioned ang mga pari na nasa likod ng krimen.

“Sexual abuse is shameful and sinful. Victims be cared with compassion. And perpetrators be canonically sanctioned and rule of civil law must be applied.” Giit ni Bishop Santos sa Radio Veritas

Kinumpirma ng Obispo na mayroon nang direktiba ang Vatican at mayroon na ring protocol ang CBCP kaugnay sa sexual abuse ng mga Pari.

“There was directive from Vatican. And CBCP has already protocol about this.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas

Inihalintulad naman ni Father Jerome Secillano ,executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs ang pahayag ni Pope Francis sa isang ama na lubhang nasaktan sa kasalanan ng mga anak.

“Pope Francis spoken like a father who is hurt by his children’s misdeeds.” pahayag ni Father Secillano

Kinatigan din ni Father Secillano ang pahayag ni Pope Francis na dapat manguna ang mga opisyal ng Simbahang Katolika para mapanagot at maparusahan ang mga paring nasasangkot sa sexual abuse.

“The Pope allays fear of a cover-up in Cases of Clerical Sexual Abuse. Very clearly, his concern is to make the guilty pay for their crime and to help the victims move on from a Dark Past. Church authorities should take the lead of the Pope in making priest-perpetrators be accountable for their misdeeds.” paglilinaw ni Father Secillano.

Sinabi ni Pope Francis sa kanyang letter to the people of God na sama-samang nagdurusa ang lahat sa kasalanan ng iilan.

Hinihikayat ni Pope Francis ang lahat na makiisa sa pagdarasal, pag-aayuno at ang pagbabalik loob sa Diyos.

Ayon kay Greg Burke, director ng Holy See Press Office, ang panawagan ng Santo Papa ay para sa lahat at hindi lamang sa mga pang-aabusong naiulat mula sa Ireland, Estados Unidos at Chile.

Read more : Pope’s Letter to People of God: We Abandoned Our Little Ones, No Efforts Must Be Spared to Prevent Abuses and Cover Up

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 33,029 total views

 33,029 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 44,034 total views

 44,034 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 51,839 total views

 51,839 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 67,766 total views

 67,766 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 82,901 total views

 82,901 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

A Call to Conscience and Duty

 2,272 total views

 2,272 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga senador ng Republika ng Pilipinas na igalang at isakatuparan ang kanilang tungkuling

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top