NAIA runway mess, Eye opener sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 352 total views

Nawa ay magsilbing ‘Eye Opener’ ang naganap na pagsadsad ng Xiamen air sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Catanduanes Representative Cesar Sarmiento, Chairman ng House Committee on Transportation, hindi karaniwan na umabot sa 36 na oras bago mai-alis sa run way ang sumadsad na eroplano na nagdulot ng malawakang perwisyo sa may higit 30 libong pasahero.

“Very Evident po ang kawalan ng Contingency Plan. Bagama’t puwede nating masabi ang pangyayari ay isang aksidente bihirang mangyari, pero nangyayari,” ayon kay Sarmiento sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Sarmiento na kabilang sa mga ipapatawag sa isasagawang imbestigasyon ng Kongreso ang Department of Transportation (DoTR), Manila International Airport, Civil Aeronautics Board maging ang mga airline companies.

“Sana ang ganitong sitwasyon ay naa-anticipate ito para daglian response ang dapat na nagawa ng Airport Authorities para maiwasan yung malaking abala,” dagdag pa ni Sarmiento.

Kabilang din sa ipapatawag sa house inquiry ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) lalu’t maraming paalis na OFW ang na-standed.

Sa hiwalay na panayam, iginiit ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People Chairman Bishop Ruperto Santos na bigyan ng tulong sa pakikipag-ugnayan sa mga employer ng mga naabalang OFW.

Ayon naman kay Manila International Airport Authority general manager Ed Monreal, aabot sa P15 milyong danyos ang dapat na bayaran ng Xiamen airlines ito ay para lamang sa pagtanggal ng eroplano sa run way ng NAIA.

Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco, hinikayat nito ang mga kompanya at mga negosyante na kilalanin at tupdin ang Corporate Social Responsibility bilang mabuting ehemplo sa mamamayan na tumatangkilik ng kanilang serbisyo at produkto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 81,611 total views

 81,611 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 125,219 total views

 125,219 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 207,636 total views

 207,636 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 218,563 total views

 218,563 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 9,399 total views

 9,399 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top