10,970 total views
Kinilala at pinasalamatan ng Radio Veritas ang komedyanteng si Matutina o Evelyn Bontogon-Guerrero sa pagiging bahagi nito sa himpilan noong taong 2005.
Sa pahayag ng himpilan batid nito ang malaking ambag ni Guerrero sa patuloy na paglawak ng naaabot ng pagsahimpapawid dahil sa kanyang dedikasyong magbahagi ng mga impormasyong kapupulutan ng aral at naghahatid ng aliw sa tagapakinig.
“We honor the life of Matutina, who shared her talent with our Kapanalig community in the early 2000s through her program, “Lady’s Choice.” Her dedication and support for the station, along with the laughter she brought to its audience, are deeply appreciated,” pahayag ng Radio Veritas.
Si Guerrero ay tanyag na radio talent bago ang kanyang iconic role sa ‘John En Marsha” sitcom’ at iba pang mga pelikula.
Pumanaw ang komedyante nitong February 14 makaraan ang halos isang dekadang pakikipaglaban sa chronic kidney disease kung saan sumailalim ito sa dialysis.
Nakiisa ang himpilan sa nagdadalamhating pamilya at tiniyak ang mga panalangin sa katatagan at kahinahunan ng puso ng mga naiwang kaanak.
“During these trying times, we stand in solidarity with her grieving family as we continue to pray for the eternal repose of Tita Matu, as we fondly called her, in our healing masses,” anila.
Bukod sa pagiging radio talent, dubbing director at artista si Guerrero ay nagsilbing barangay kagawad sa Barangay Pag-Asa, Quezon City mula 2007 hanggang 2010.