Radyo Veritas, patuloy ang pasasalamat sa mga sumusuporta sa Veritas500

SHARE THE TRUTH

 275 total views

Patuloy na nagpapasalamat ang Radyo Veritas sa lahat ng sumusuporta sa Veritas500 program para manatili sa himpapawid ang himpilan.

Ayon kay Rev. Fr. Anton C.T. Pascual, Pangulo ng Radio Veritas, malaking suporta ito sa paghahanda ng himpilan sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa taong 2021.

Ginagamit aniya ang mga donasyon sa pagkilos ng radyo para palakasin ang pananampalatayang Katoliko sa pamamagitan ng Ebanghelisasyon na nagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos.

Pahayag pa ni Fr. Pascual, sa pagpapalakas kinakailangang ang paggamit ng multimedia (print, radio, TV and social media) at dito napupunta ang donasyon.

Hinimok rin ng pari ang mga mananampalataya na maari rin namang magbigay ng lampas sa P500 sa loob ng isang taon.

Ayon kay Fr. Pascual, sa pagbahagi ng P500 o higit pa kada taon, malaki ang maitutulong nito sa krusada na ipalaganap ang Mabuting Balita.

“Nagpapasalamat tayo sa mga nagpe-pledge sa Veritas 500 para manatili tayo sa ere dahil may sumusuportang mga kapanalig bilang paghahanda na rin sa 500 taon ng Kristiyanismo sa 2021. Nais nating palakasin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng evangelization ng pagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa paggamit ng multi media, kasi ito ang malakas na impluwensiya sa kaisipan at aksyon ng tao.” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Una ng inilunsad ng himpilan ang “Veritas 500 Telethon 2016” na may temang “Bringing Jesus to every Catholic home” na layuning humingi ng suporta sa bawat mananampalataya kung saan ang malilikom ay para tulungan na rin ang himpilan na palakasin ang social communications ministry ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

http://www.veritas846.ph/obispo-nagpasalamat-sa-radyo-veritas-sa-tulong-na-mapaigting-ang-pananampalataya/

http://www.veritas846.ph/veritas-500-campaign-pagpapaigting-ng-pananampalatayang-kristiyano/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,635 total views

 13,635 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,279 total views

 28,279 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,581 total views

 42,581 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,283 total views

 59,283 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 105,073 total views

 105,073 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 112,419 total views

 112,419 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top