Rapid assessment, isinasagawa ng Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 683 total views

Patuloy na nararamdaman sa Northern Luzon ang aftershock sanhi pa rin ng naganap na 7.3 magnitude earthquake noong Hulyo 27 sa lalawigan ng Abra.

Kaugnay nito, patuloy namang isinasagawa ng Diyosesis ng Baguio ang pagbisita sa bawat parokya upang tingnan ang kalagayan ng mga simbahan at ibang gusali na posibleng naapektuhan ng pagyanig.

Ayon kay Bishop Victor Bendico, natapos na nilang bisitahin ang mga parokya sa bahagi ng Baguio City na nagtamo lamang ng kaunting pinsala at ligtas na rin para sa pagsasagawa ng mga banal na pagdiriwang at iba pang gawain.

“Sa awa ng Diyos, base sa naging assessment at inspection namin ay minor damages lang ang nakuha ng mga parish church building matapos ang lindol,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa buod ng assessment report ng Diocese of Baguio na mula sa 14 na mga parokyang binisita, tanging ang Sacred Heart of Jesus Chapel sa La Trinidad, Benguet ang nagtamo ng maraming pinsala kabilang na ang mga bitak sa una at ikalawang palapag ng simbahan.

Mungkahi namang lagyan muna ng pansamantalang suporta ang bahaging may bitak para maiwasan ang karagdagang pinsala at magdulot ng panganib sa mga mananampalataya.

“Ang simbahan sa may La Trinidad ang mas naaapektuhan ng pagyanig kaya patuloy namin itong babantayan lalo’t patuloy ring nangyayari ang aftershocks ng paglindol sa may Abra at Vigan na maaari muling umabot dito sa Baguio,” ayon kay Bishop Bendico.

Bibisitahin naman bukas ng Obispo ang ilan pang parokya sa bahagi ng Benguet para sa patuloy na rapid assessment ng Diyosesis ng Baguio.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Bendico ang kapayapaan ng kaluluwa ng mga naging biktima ng mapaminsalang pagyanig.

Magugunita nitong Hulyo 16, ilang araw bago ang malakas na paglindol sa Abra ay inalala ang naganap na 1990 Luzon earthquake na puminsala sa iba’t ibang gusali sa Baguio City kabilang na ang Hyatt Terraces Baguio Hotel na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 80 empleyado at bisita ng nasabing hotel.

Samantala, batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 10-katao na ang naitataling nasawi habang nasa halos 400-katao naman ang nagtamo ng mga sugat sa katawan dulot ng paglindol nitong nakaraang linggo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 48,185 total views

 48,185 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 48,185 total views

 48,185 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 48,185 total views

 48,185 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 46,711 total views

 46,711 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 42,670 total views

 42,670 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top