VeritasPH

The Word, The Truth

 489 total views

Mga Kapanalig, tatlong kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency Southern District Office (o PDEA-SDO) at isa nilang drayber ang nahuli sa isang operasyong isinagawa ng Drug Enforcement Unit ng Philippine National Police noong isang linggo. Nasabat sa operasyon ang mga “recycled” na iligal na drogang nagkakahalaga ng mahigit siyam na milyong piso. Sa loob mismo ng kanilang opisina, huling-huli sa akto ang mga akusadong nagbebenta ng iligal na droga.

Nasasakupan ng PDEA-SDO ang mga siyudad ng Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Taguig, at ang munisipyo ng Pateros. Kamakailan lamang ay nabalita rin ang PDEA-SDO sa pagtatala ng pinakamaraming drogang nasabat sa taong ito. Kasama rito ang matagumpay nilang pagkakahuli sa isang shabu lab sa loob ng Ayala Alabang Village, isang kilalang mayamang subdivision sa Muntinlupa. Tinatayang labindalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng halos 150 milyong piso ang nakumpiska sa operasyong iyon.

Ayon sa mga patakarang inilabas ng Supreme Court, dapat na may maayos na dokumentasyon, imbentaryo, at mga litrato ng mga nasasabat na kontrabando sa mga operasyon kontra iligal na droga. Sa loob ng tatlong araw, dapat ding inspeksyunin ng isang hukom ang mga nasabat na kontrabando na susundan ng pagkuha ng sample para sa forensic examination. Maliban sa sample, didispatsahin na dapat ng PDEA ang lahat ng iligal na drogang kanilang nasabat.

Sa naging insidente sa opisina ng PDEA-SDO, malinaw na may mga hindi nasunod sa proseso ng pagdidispatsa ng mga iligal na droga. Higit sa lahat, dapat repasuhin ang mga patakaran nating may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot. Huwag nating kalimutang libu-libong Pilipino na ang namatay sa ngalan ng giyera laban sa iligal na droga. Sa ilalim ng administrasyong Duterte, nakapagtala ang pulisya ng anim na libong nasawi sa kanilang mga operasyon, mas maliit sa dalawampu hanggang tatlumpung libong naitala ng mga human rights groups. Halos anim na buwan mula nang maupo si Pangulong Bong-Bong Marcos, Jr. apatnapu’t anim lamang ang naitala ng pulisya, mas mababa rin kumpara sa mahigit isandaang naitala ng UP Third World Studies Center.

Mayroon ding mga paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng kampanya laban sa iligal na droga. Bago matapos ang Nobyembre, nahatulan namang guilty sa pagto-tortyur, pagpaslang, at pagtatanim ng mga pekeng ebidensya ang mga pulis mula sa Caloocan na akusado sa pagpaslang noong 2017 kina Carl Arnaiz, 19 na taong gulang, at Reynaldo de Guzman, 14 na taong gulang.

Ipinaaalala ng mga turo ng Simbahan ang importansya ng katuwiran at katapatan sa panunungkulan. Ang pagtataguyod sa dignidad ng tao ang pundasyon at pangunaging dahilan ng pulitika. Dahil rito, responsibilidad ng mga nanunungkulang kilalanin at protektahan ang karapatang pantao ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan nito, tunay na maitataguyod ang kabutihang panlahat o common good kung saan walang pinapatay nang walang kapararakan at bawat isa’y tinitingnang biyaya dahil nilikha siyang kawangis ng Diyos.

Sa madugong giyera laban sa iligal na droga, dignidad at mga karapatang pantao ng marami nating kapatid ang niyurakan. Marami sa kanilang nanawagan pa rin para sa hustisya. Kaya naman lubhang nakababahalang ginagawa pa mismo ang bentahan sa opisina ng mga dapat nagliligtas sa atin mula sa kapahamakang dala ng iligal na droga.

Mga Kapanalig, katulad ng paalala sa Lucas 12:48, “Ang binigyan ng marami ay pananagutin ng marami at ang pinagkatiwalaan ng marami ay papanagutin sa higit na marami.” Mabigat na tungkulin ang nakaatang sa mga nagpapatupad ng giyera laban sa iligal na droga, kaya dapat siguruhin nating napananagot sila sa bawat pagkakamaling ginagawa nila. Huwag tayong mapagod na punahin ang patuloy na pagdanak ng dugo at manawagan ng hustisya. Hindi katulad ng mga iligal na drogang nasasabat, hindi mare-recycle ang buhay ng tao.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,518 total views

 6,518 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 14,054 total views

 14,054 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 30,040 total views

 30,040 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 38,085 total views

 38,085 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 43,165 total views

 43,165 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 6,519 total views

 6,519 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 14,055 total views

 14,055 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 30,041 total views

 30,041 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 38,086 total views

 38,086 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 43,166 total views

 43,166 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,396 total views

 43,396 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,182 total views

 45,182 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,107 total views

 42,107 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,421 total views

 56,421 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,111 total views

 60,111 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,714 total views

 58,714 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,701 total views

 68,701 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,669 total views

 72,669 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,556 total views

 83,556 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,995 total views

 95,995 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top