Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Binyagang bayan, pinangunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 2,437 total views

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng sakramento ng binyag sa 60 mga bata sa Sto. Niño de Baseco Parish sa Port Area, Tondo Manila.

Pinaalalahanan ng cardinal ang mananampalataya na kaakibat ng binyag ang misyong ibahagi ito sa lipunan bilang pakikiisa sa misyon ni Hesus.

“Ang sakramento ng binyag ay biyayang may kalakip na misyon tayo ay nabiyayaan upang maghandog ang pananampalatayang tinanggap natin sa binyag ay hindi maaring manatili lang sa atin kailangan natin itong ibahagi sa kapwa, ipahayag sa lahat ng mga bansa at ipasa sa mga susunod na henerasyon,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Apela ni Cardinal Advincula sa mga magulang, ninong at ninang na maging mabuting ehemplo sa mga kabataan at hubugin ang mga ito sa turo ng Panginoon upang maging mabuting kasapi ng lipunan at kristiyanong pamayanan.

Binigyang diin ng arsobispo na ang bawat sakramentong ipinagdiriwang ay biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan.

Ang gawain ay inisyatibo ng mga kawani ng Roman Catholic Archdiocese of Manila bilang bahagi ng kanilang taunang outreach program at pakikiisa sa misyon ng simbahan na paigtingin ang pagkakaloob ng mga sakramento.

Pinasalamatan ni Augustinian Priest Fr. Asis Bajao, kura paroko ng parokya ang mga kawani ng RCAM dahil napili ang komunidad ng Baseco na maging benipisyaryo ng proyekto.

Kinilala rin ng pari ang mga magulang na tumugon sa panawagan ng simbahan kasabay ng apelang maging aktibong kasapi ng komunidad.

“Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyo na binigyan n’yo kami ng pagkakataon na akayin kayo para mabinyagan ang inyong mga anak; ang ating pagsimba hindi lang hanggang sa nabinyagan kundi hanggang sa susunod pang sakramento,” ani Fr. Bajao.

Sa kasalukuyan mahigit sa tatlong milyong katoliko ang nabibilang sa Archdiocese of Manila mula sa limang lunsod ang Manila, Makati, Mandaluyong, Pasay at San Juan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,562 total views

 42,562 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,043 total views

 80,043 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,038 total views

 112,038 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,778 total views

 156,778 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,724 total views

 179,724 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,999 total views

 6,999 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,608 total views

 17,608 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top