Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Recycling process sa mga basura, nagdudulot ng greenhouse gases

SHARE THE TRUTH

 1,300 total views

Muling pinapaalala ng Greenpeace Philippines na malaking suliranin pa rin sa lipunan ang mga basurang nagiging sanhi ng patuloy na pagkasira ng kapaligiran.

Ayon kay Jeffrey Chua, corporate campaigner ng grupo na bagamat may ilang kumpanya na ang naglunsad ng iba’t ibang pamamaraan sa pagre-recycle ng mga basura, hindi pa rin matitiyak kung ang ginagawa nitong proseso ay ligtas din sa kalikasan.

“‘Yung ginagawa dun sa plastic is pino-process siya ulit para maging ibang mga bagay na pwedeng gamitin like the chairs. I think ‘yung problema din dun is the very process of doing that can introduce more carbon footprints sa environment,” pahayag ni Chua sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa mga pagsusuri, ang proseso ng pagre-recycle sa iba’t ibang uri ng plastik ay maaaring maglabas ng greenhouse gases na lubhang mapanganib sa kalikasan maging sa kalusugan ng tao.

Ang pagtatapon, pagsusunog, pagre-recycle at pag-compost para sa ilang uri ng plastic ay naglalabas ng carbon dioxide.

Sinasabi rin sa mga pag-aaral na ang emissions mula sa mga plastik noong 2015 ay katumbas ng halos 1.8 bilyong metrikong tonelada ng CO2.

Samantala, panawagan naman ng Greenpeace sa mga kumpanya tulad ng mga nasa e-commerce industries na maliban sa pagre-recycle ay mag-isip ng mga alternatibong pamamaraan na nakakabawas sa paggamit ng mga plastic.

Gayundin ang pagpapakita ng tunay na proseso ng pagre-recycle upang matiyak na ligtas at nakakatulong talaga ito sa inang kalikasan.

“It’s good to recycle pero at the same time, ito na rin ‘yung panawagan na tanungin natin kung saan napupunta ‘yung plastic at kung paano nila pinoproseso ‘yung wastes. I think responsibility natin bilang consumers na alamin at tanungin ang mga kumpanya na ‘to para maging mas transparent at para alam din natin kung paano ito mas magiging sustainable,” ayon kay Chua.

Nakasaad sa catholic social teaching na bagamat sang-ayon ang Simbahan na kumita ang mga namumuhunan, kinakailangan namang ang kikitain nito ay nakakamit nang hindi naaapektuhan ang bawat mamamayan partikular na ang kalikasan.(michael)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,916 total views

 44,916 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 82,397 total views

 82,397 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 114,392 total views

 114,392 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 159,119 total views

 159,119 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 182,065 total views

 182,065 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 9,159 total views

 9,159 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,647 total views

 19,647 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,289 total views

 7,289 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top