Pagmimina, walang naitutulong sa ekonomiya ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,784 total views

Hindi makakatulong ang pagmimina sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ni Alyansa Tigil Mina (ATM) National Coordinator Jaybee Garganera sa ginanap na Year End Thanksgiving Event ng NASSA/Caritas Philippines.

Ayon sa mga datos na nakalap ng ATM sa Mining industriya, sa nakalipas na tatlumpung taon ay hindi ito nakatulong upang lumago ang ekonimiya at ang Gross Domestic product ng bansa.

“Statistics will show whether we look in the past one year or in past three years or in the past 30 years, mining has never contributed more than 1 % of GDP, less than 0.5% in employment and very dismal na revenues,” ayon kay Garganera.

Ayon sa datos ng ATM, ang maliit na porsyentong naitutulong ng mga minahan sa ekonomiya ay dahil sa mababang singil sa buwis na ipinapataw sa mga mining company.

Sinabi ng ATM na lallong tumutubo sa kita ang mga mining companies dahil pinoprotektagan sila ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE LAW .

“Simple lang explanation diyan, dumami ‘yung volume at value ng mina natin pero binabaan kasi natin ‘yung corporate income tax base sa created law. In effect, we are giving more minerals and getting less tax,” pagpapabatid ni Garganera.

Ang pahayag ng ATM ay dahil na rin sa pagtatalaga ng pamahalaan sa industriya ng pagmimina bilang esensyal na hakbang ng naluging ekonomiya ng Pilipinas.

Inihayag ni Garganera na karamihan rin sa mga kasalukuyang rehistradong minahan sa Pilipinas ay pagmamay-ari ng mga Chinese National na ikinikubli sa pamamagitan ng pagiging ‘Filipino Owned Mining Company’.

“So we know Chinese investments and owners are dominant in the mining industry because they need our nickel, and iron, and copper. ‘Yun lang po kasi nagsara ang Indonesia, Indonesia does not export iron and nickel for 2 years now. China needs a source for their iron and nickel and the Philippines is a variable source right now,” ani Garganera.

Sa kaniyang ensiklikal na Laudato si ay nanindigan ang Kaniyang Kabanalang Francisco laban sa pagmimina na sa halip ay makabuti ay mas lalu pang pinaghihirap ang mga mamamayan kaakibat ng pinsalang idinudulot sa kalikasan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 8,211 total views

 8,211 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 36,216 total views

 36,216 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 54,016 total views

 54,016 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 53,666 total views

 53,666 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 165,712 total views

 165,712 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top