Red Wednesday, nakatakda sa ika-23 ng Nobyembre 2022

SHARE THE TRUTH

 2,031 total views

Ang kulay pula ay kulay na sumisimbolo sa dugo ng mga martir ng Simbahang Katolika.

Ito ang binigyang diin ni Msgr. Pedro Gerardo Santos – Chief Operating Officer ng Aid to the Church in Need – Philippines kaugnay sa kulay pula na makikita sa sagisag ng pontifical foundation ng Vatican at ang kampanya nito kada taon na tinatawag na Red Wednesday.

Ayon sa Pari, ang kulay na pula simbolo ng maalab na apoy ng Espiritu Santo at pagmamahal sa Diyos na hindi dapat i-ugnay sa anumang pampulitikang partido o personalidad.

Ibinahagi ni Fr. Santos na sinisimbolo din ng kulay pula ang dugo ng mga martir na ibinuwis ang buhay para sa pananampalataya.

“The red is a very important symbol for us Christians, it symbolizes the fire of the Holy Spirit, symbolizes the power of love, it symbolizes the blood of martyrs.” Ang bahagi ng pahayag ni Msgr. Santos.

Ipinaliwanag ni Msgr. Santos na ang patuloy na pag-uusig sa mga Kristiyano sa buong daigdig ay patuloy na pag-atake sa Simbahang Katolika.

Nanawagan ang Pari ng pagkakaisa upang maprotektahan ang Simbahan higit ang mga Kristiyano na dumaranas ng iba’t ibang uri ng karahasan at pag-uusig sa lipunan.

Nakatakda ang Red Wednesday campaign ngayong taon sa ika-23 ng Nobyembre, 2022 na may temang “Blessed are the Persecuted” na naglalayong palakasin ang kampanya para sa pananalangin sa mga Kristiyanong inuusig sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Taong 2016 nang simulan ng Pontifical Foundation na Aid to the Church in Need ang Red Wednesday Campaign sa United Kingdom bilang pagpupugay sa mga naging martir at pagsuporta sa mga Kristiyanong kasalukuyang inuusig.

Taong 2017 naman nang makibahagi sa Red Wednesday Campaign ang Pilipinas habang Enero ng taong 2020 ng aprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang institutionalization ng Red Wednesday Campaign ng Aid to the Church in Need sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,066 total views

 80,066 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,070 total views

 91,070 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,875 total views

 98,875 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,116 total views

 112,116 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,630 total views

 123,630 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 7,438 total views

 7,438 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top