Obispo ng Diocese of Kalookan, umaapela ng tulong

 434 total views

Umapela si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa mamamayan na tulungan ang mga biktima ng sunog sa Navotas City.

Sa Facebook post ng Obispo, batid nito ang labis na kahirapang naranasan ng mga biktima ng sunog sa San Ildefonso Parish sa ilalim ng Diocese of Kalookan.
Ayon kay Bishop David, bilang kristiyano ay maramdaman ng bawat isa ang paghihirap ng kapwa sapagkat tayo ay nasa iisang katawan ni Kristo.

“Let us please generously extend to them any form of assistance in their hour of need. If we belong to the one Body of Christ, then the pain of one part will be felt by the rest of the body.” ayon sa pahayag ni Bishop David.

Binigyang diin din ng punong pastol ng diyosesis na magandang pagkakataong ding ipakita ang tunay na diwa ng pagiging lingkod ng Panginoon sa pagtulong sa nangangailangan lalo’t nalalapit na ang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari sa November 20.

Tinukoy ng obispo ang nasusulat sa ebanghelyo ni San Mateo na ang paglingap sa pangangailangan ng kapwa ay paglilingkod din sa Diyos.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection National Capital Region nagsimula ang sunog alas tres ng hapon na umabot sa ikalimang alarma.

Nasa 300 mga bahay mula sa dalawang barangay ng Navotas City ang natupok kung saan mahigit sa 500 pamilya ang nawalan ng tahanan habang lima ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa insidente.

Kasalukuyang kinanlong ng San Ildefonso Parish ang ilan sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kumilos na rin ang Caritas Kalookan at Social Action Center ng diyosesis sa pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga biktima lalo na ang pagkain.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox