Tulong at suporta, panawagan ng Agustinian Priest sa mananampalataya

 252 total views

Hinimok ng Agustinong misyonero ang pamayanan ng Baseco sa Manila na magkaisa sa paglalakbay bilang simbahan.

Ito ang panawagan ni Fr. Asis Bajao, OSA, ang bagong talagang kura paroko ng Sto. Niño de Baseco Parish sa nasasakupang mananampalataya.

Sa panayam kay Fr. Bajao, mahalaga ang pagbubuklod bilang pamayanan para umunlad ang kristiyanong sambayanan at higit maipalaganap ang misyon.

“Sama-sama tayong maglalakbay, walang iwanan, walang bibitiw. Kahit ano mang sitwasyon ng buhay natin, magtulungan tayong mga layko at kaming mga paring Agustino.” pahayag ni Fr. Bajao sa Radio Veritas.

Ibinahagi ni Fr. Bajao na hindi bago sa kanya ang pagmimisyon sa Baseco area dahil naging gawain niya ito noong seminarista.

Sinabi ng Pari na sa apat na dekadang pagmimisyon ng mga Agustino sa lugar ay nakita nito ang malaking pagbabago sa buong komunidad gayundin ang patuloy na paglago ng pananampalataya ng mamamayan.

1982 nang sinimulan ng mga Agustino ang pagtatayo ng mga mission stations sa Baseco na sa kasalukuyan ay umabot na sa 21.

Hinikayat ni Fr. Bajao ang mga servant leaders sa lugar na paigtingin ang paghikayat sa mga tao na maging bahagi ng simbahan alinsunod sa panawagang synodality ng Santo Papa Francisco.

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Adinvula ang rito ng pagtatalaga kay Fr. Bajao na sinaksihan ng daan-daang mananampalataya ng Baseco gayundin ng mga pari at opisyal ng Order of St. Augustin, Province of the Most Holy Name of Jesus of the Philippines.

Habilin ni Cardinal Adincula sa pamayanan ng Baseco na makipagtulungan sa mga pastol na nakatalaga sa parokya lalo na sa mga gawaing pagmimisyon at paglingap sa kawan.

“Ipinagkakatiwala ko sa inyo si Fr. Asis Bajao, pagbuhusan ninyo siya ng inyong pagmamahal at suporta.” ani Cardinal Advincula.

Aktibo ang mga Agustinong pari sa pagkakawanggawa sa pamayanan ng Baseco lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Noong pandemya nangunguna ang Augustinian missionaries sa pagiging katuwang ng Caritas Manila sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox