Kapabayaan ng mga mayayamang bansa na tugunan ang climate crisis, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 779 total reads

Kinondena ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD) ang kakulangan ng pamahalaan ng mga mayayamang bansa na makapaglaan ng pondo sa pagtugon sa climate crisis.

Ayon kay APMDD coordinator Lidy Nacpil, dapat panagutan ng mga mayayamang bansa ang nangyayaring krisis sa klima at pagtuunan ang paglalaan ng pondo sa pagsasaayos at pangangalaga ng kapaligiran.

“We demand from COP27 and the G20 summit the delivery of adequate, grants-based, and accessible climate finance, the establishment of a loss and damage fund, as well as reparations for the climate debt owed by rich countries to the Global South.” bahagi ng pahayag ni Nacpil.

Iginiit ni Nacpil na mas pinagtutuunan pa ng pamahalaan ang pagsuporta at pamumuhunan sa mga korporasyong nagdudulot ng labis na panganib at paghihirap sa kalikasan at mamamayan.

“Climate finance should be provided as grants based on climate debt, not another opportunity for rich countries and corporations to profit from poor and vulnerable countries.” ayon kay Nacpil.

Hiling ng opisyal na nawa ang isinasagawang COP27 climate summit sa Egypt at G20 Summit sa Bali, Indonesia ay maging makabuluhan at makalikha ng mga konkretong pagtugon sa kinakaharap na krisis sa klima at ekonomiya ng buong mundo.

Batay sa 2022 Adaptation Gap Report na unang inilabas bago ang COP27 Summit, nagkakahalaga ang pondo para sa annual adaptation ng $160 billion hanggang $340 billion sa katapusan ng dekada, at hanggang $565 billion naman sa 2050.

Ang ulat ay upang ipabatid ang pangangailangan para dagdagan ang pondo at pagpapatupad ng mga pagtulong para sa mga mahihinang bansa at pamayanan na makaangkop sa lumalalang climate emergency.

Nauna nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco na ipanalangin ang mapayapa at makabuluhang pagdaraos ng COP27 at G20 Summit upang makalikha ng mga epektibong plano upang mapigilan ang tuluyang pagkasira ng daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 67,792 total reads

 67,792 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 171,270 total reads

 171,270 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 208,058 total reads

 208,058 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 238,633 total reads

 238,633 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 284,171 total reads

 284,171 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,846 total reads

 57,846 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top