Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Religious activities sa Diocese of Pasig, sinuspendi

SHARE THE TRUTH

 420 total views

Sinuspendi na ng Diocese of Pasig ang lahat ng mga misa at iba pang religious activities sa diyosesis ngayong araw bilang pag-iingat mula sa pananalasa ng bagyong Rolly.

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, ang hakbang ay upang matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng mga lingkod ng Simbahan kabilang na ang mga Pari, relihiyoso, relihiyosa at mga layko.

“Natapos lang yung mga misa sa umaga pero nung bandang tanghalian, nagbigay na ako ng directives sa lahat ng parokya to the parish priest na kanselado na lahat ang mga misa sa parokya para maging safe yung ating mga pari, religious at yung ating mga layko, parishioners natin, kinansel muna po natin ito para maging ligtas po tayo…” pahayag ni Bishop Vergara sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ng Obispo, nakikipag-ugnayan na rin ang Caritas Pasig sa Caritas Manila kaugnay sa posibleng pagbibigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Rolly.

“May mga networks naman yung Caritas Pasig at yung Caritas Manila so sigurado ako nakikipag-ugnay na yung aking mga pari at mga layko yung mga in-charge para sa mga relief operation, katatapos lamang nung mga meeting nila recently so I could just think na yung mga risks disaster preparation and yung mga magaganap na kalamidad ay matutugunan…” pagbabahagi ni Bishop Vergara.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 25,604 total views

 25,604 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 39,040 total views

 39,040 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 55,584 total views

 55,584 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 65,481 total views

 65,481 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top