8,026 total views
Inilaan ng Simbahang Katolika ang intensyon ng pananalangin sa buwan ng Hunyo para sa higit na paglaganap ng pagkakawanggawa at pagdadamayan sa daigdig.
Bahagi ng panawagan ng namapayapang punong pastol na si Pope Francis ang pananalangin para sa pagkakaroon ng ng mas malalim na relasyon ng bawat isa hindi lamang sa pagitan ng isa’t isa kundi lalo’t higit sa pagitan ng Panginoon.
Ipinapanalangin rin ng yumaong si Pope Francis ang paglaganap ng tunay na pagmamalasakit at pagkakawanggawa para sa kapakanan ng kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan sa lipunan.
Para sa buong taong 2025 bago pa tumindi ang karamdaman ni Pope Francis ay nakapaglatag na ng iba’t ibang partikular na intensyon at layunin ang Santo Papa kung saan kada buwan ay hinihiling ng punong pastol ng Simbahang Katolika ang pakikiisa sa pananalangin ng bawat isa.
June:
That the world might grow in compassion
Let us pray that each one of us might find consolation in a personal relationship with Jesus, and from his Heart, learn to have compassion on the world.
May mga pagkakataon rin na nagdaragdag ng pangalawang hangarin o intensyon sa pananalangin ang Santo Papa na kadalasan ay may kaugnayan sa kasalukuyang mga sitwasyon o mga agarang pangangailangan, tulad ng tulong sa sakuna o kalamidad sa iba’t ibang bansa.
Ipinagkatiwala ni Pope Francis ang mga intensyon na ito sa Pope’s Worldwide Prayer Network na isang organisasyon na nagsisikap na hikayatin ang mga Kristiyano na tumugon sa panawagan ng Santo Papa at palalimin ang kanilang pang-araw-araw na buhay pananalangin.