Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,635 total reads

Ano ba ang resilience, kapanalig? Bakit ba lagi itong dinidikit sa ating mga Filipino? Tunay nga ba tayong resilient?

Ang resilience kapanalig, ay ang kakayahang malampasan at bumangon mula sa anumang lubhang paghihirap, problema, o krisis. Dinidikit ang katagang ito sa atin lagi dahil kada may sakuna, ang ating mga mamamayan ay hindi nagpapatalo—bumabangon agad, bumabawi agad, at nakangiti agad. Pero kapanalig, tunay ba tayong resilient?

Nitong 2021, umabot ng P61 billion ang pinsala ng mga sakuna sa ating bayan. At sa bawat sakunang dumaan, ang mga mahihirap ang mas nagbabayad – mas maraming buhay at kabuhayan ang nawawala sa kanilang hanay. Dahil dito, hindi sila maka-alpas ng kahirapan. Paulit ulit na lang. At dahil paulit paulit ang pakikibaka kahit hirap, “resilient” na ang tawag sa kanila. Hindi ito resilience, kapanalig, Yan ay pagtitiis. Yan ay sakripisyo. Yan ay pagkatalo. Walang Filipino ang dapat lagi na lamang nakikibaka sa sakuna at hirap.

Kapanalig, pag laging inaasa sa mga balikat ng karaniwang mamamayan ang pagbangon ng pamayanan at bansa, tinatanggal natin ang responsibilidad ng lokal at nasyonal na pamahalaan na bigyang kalinga at tulong ang nasasakupan nila. Ang buwis natin ay nakalaan hindi lamang para sa pagtatayo ng mga imprastraktura. Kasama din dito ang integrasyon ng resilient features, pati na ang emergency at relief funds para sa mga mamamayang nabiktima ng sakuna. Sa kakatayo nating mag-isa, baka nasanay na ang mga pinuno ng bayan na tingnan na lamang tayo. O baka aasa din lamang sila sa donasyon ng mga lokal at internasyonal na organisasyon? May buwis na regular na kinakaltas sa atin. Those taxes should work for us.

Kapanalig, mas magiging resilient din ang mga mamamayan kapag may nakalatag na maayos na social protection program ang bayan. Sabi nga ng isang pag-aaral ng NEDA: the country needs a transformative social protection system that empowers every Filipino to prevent, respond to, and recover from possible shocks. Hindi lamang dapat hanggang emergency relief at post disaster action ang ginagawa ng mga leaders natin. Dapat may social protection ang mga tao para pag dumating ang bagyo at anumang krisis sa buhay, may madudukot sila. Ang nangyayari ngayon kapanalig, parang tayo palagi ang nadudukutan. Ang sakit makita na marangya ang buhay ng ating mga pinuno habang milyong milyong Filipino ang nagdurusa.

Sabi sa Rerum Novarum: “Ang kaligtasan ng mamamayan ay hindi lamang ang unang batas, ito rin ang buong dahilan kung bakit tayo ay may gobyerno. Ayon sa Ebanghelyo, ang layunin ng pamahalaan ay hindi ang kapakinabangan ng namumuno, kundi ng kanyang mga pinagsisilbihan.”

Sumainyo ang Katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,290 total reads

 20,290 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,417 total reads

 20,417 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,737 total reads

 36,737 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,143 total reads

 93,143 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,644 total reads

 216,644 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,231 total reads

 300,231 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,738 total reads

 36,738 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,144 total reads

 93,144 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,645 total reads

 216,645 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top