Rise Up para sa buhay at karapatang pantao

SHARE THE TRUTH

 271 total views

Hinihikayat ng Promotion of Church People’s Response (PCPR) at RISE Up Network ang publiko na makiisa sa isasagawang misa sa para sa pakikipaglaban para sa buhay at pagtataguyod karapatang pantao laban.

Ayon kay PCPR Spokesperson at RISE Up convenor Nardy Sabino, ang misa ay isasagawa September 21, dakong alas-2 ng hapon sa San Agustin Church Malate Manila.

Pangungunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang misa na dadaluhan din ng mga kaanak ng mga biktima ng extra judicial killings.

Sinabi ni Sabino na sa San Agustin church magtitipon-tipon ang ilang grupo at magma-martsa patungong Luneta kung saan isasagawa ang pagtitipon ng Movement Against Tyranny – para sa paggunita ng ika-45 taong deklarasyon ng Martial Law.

Nananawagan po ang buong RISE UP ang mga pamilya po na samahan sila sa pagdiriwang ng Banal na Misa para sa pagtatanggol ng buhay, para sa kapayapaan at katarungan sa bayan at palakasin ang tinig at panawagan sa bayan na itigil ang pamamaslang sa bayan. Gayundin ang walang habas yung mga banta ng diktadurya sa bayan,” bahagi ng pahayag ni Sabino, convenor ng Rise UP.

Pinaalalahanan din ng grupo ang mga nais na dumalo na magsuot ng itim na damit, payong, pagkain at tubig.

Ayon kay Sabino, layunin ng kilos protesta na ipaalam sa pamahalaan na tutol ang marami sa mga nagaganap na pagpaslang na may kaugnayan sa droga lalu’t ang mga mahihirap lamang at walang kakayahan na magtanggol sa sarili ang pawang mga biktima.

Sa 13 libong napatay na may kaugnayan sa droga, 4,000 sa mga ito ay napaslang sa mga isinagawang police operations.

Inaasahan ding sasabayan ng mga nagkikilos protesta ang De Profundis Bell, dakong 8 ng gabi – ito ay ang pagpapatunog ng kampana na paanyaya ng Archdiocese of Manila sa bawat simbahan para alalahanin ang lahat ng mga namayapa lalu na ang mga napatay dahil sa karahasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 82,245 total views

 82,245 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 93,249 total views

 93,249 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 101,054 total views

 101,054 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 114,228 total views

 114,228 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,581 total views

 125,581 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

A Call to Conscience and Duty

 8,198 total views

 8,198 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga senador ng Republika ng Pilipinas na igalang at isakatuparan ang kanilang tungkuling

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top