Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sa buhay at kamatayan, bulaklak nagpapahayag ng buhay

SHARE THE TRUTH

 10,711 total views

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-31 ng Oktubre 2024
Larawan kuha ni G. Jim Marpa, 2018.

“Say it with flowers” ang marahil isa na sa mga pinakamabisa at totoong pagpapahayag ng saloobin sa lahat ng pagkakataon. Wala ka na talagang sasabihin pa kapag ikaw ay nagbigay ng bulaklak kanino man. Ano man ang okasyon. Buhay man. O patay na.

Mababango at makukulay na bulaklak. Mas maganda at mas mahal, pinakamabuti lalo’t higit kung ibibigay sa sinisinta upang mabatid nilalaman ng dibdib ng isang mangingibig.

Larawan kuha ng may-akda sa Benguet, 12 Hulyo 2023.

Sa buong daigdig, nag-iisang wika at salita ang mga bulaklak na ginagamit upang ihatid ang tuwa at kagalakan sa sino man nagdiriwang ng buhay at tagumpay, maging ng kagalingan at lakas sa may tinitiis na sakit at hilahil. Sari-saring kulay, hugis at anyo, iisa ang pinangungusap ng bulaklak sa lahat ng pagkakataon, buhay at kagalakan at kaisahan ng magkakaibigan at magkasintahan, mag-asawa at mag-anak, magkaano-ano man.

Marahil kasunod nating mga tao, ang mga bulaklak na ang pinakamagagandang nilikha ng Diyos upang ipadama at ilarawan sa atin Kanya at maging atin ding katapatan at kadalisayan ng loobin at hangarin. Alalahanin paalala ni Jesus sa atin, “Isipin ninyo kung paano sumisibol ang mga bulaklak sa parang…maging si Solomon ay hindi nakapagsuot ng kasingganda ng isa sa mga bulaklak na ito, bagamat napakariringal ang mga damit niya” (Mt. 6:28, 29).

Larawan kuha ng may-akda sa Benguet, 12 Hulyo 2023.

Kapag ako ay nagkakasal, palagi kong ipinaaalala sa magsing-ibig ang kahulugan ng maraming gayak na bulaklak sa dambana ng simbahan na nagpapahiwatig ng larawan ng Paraiso.

Alalaong baga, bawat Sakramento ng Kasal ay “marriage made in heaven” – malayang ginawa at pinagtibay ng magsing-ibig sa harap ng Diyos at ng Kanyang Bayan sa loob ng simbahan. Kaya wika ko sa kanila, ipagpatuloy ang pagbibigay ng bulaklak sa maybahay kahit hindi anibersaryo, lalo na kapag mayroon silang “lover’s quarrel” bilang tanda ng “ceasefire”.

Kaya naman maski sa kamatayan, mayroon pa ring mga bulaklak na ibinibigay tanda hindi lamang ng pagmamahal kungdi ng pag-asa na harinawa, makapiling na ng yumao ang Diyos at Kanyang mga Banal sa langit. Gayon din naman, dapat katakutan ng sino mang buhay pa ang padalhan ng korona ng patay o bulaklak sa patay dahil babala ito ng masamang balak laban sa kanyang buhay.

Lamay ni Mommy noong Mayo 7, 2024; paborito niya ang kulay pink at bulaklak na carnation.

Dagdag kaalaman ukol sa mga bulaklak sa patay: isang dahilan kaya pinupuno ng maraming mababangong bulaklak ang pinaglalamayan ng patay ay upang matakpan masamang amoy ng yumao dahil noong unang panahon, wala pa namang maayos na sistema ng pag-eembalsamo maging ng mga gamot para ma-preserve ang labi ng yumao. Kapansin-pansin ngayon lalo sa social media kapag mayroong namamatay, ipinapahayag ng mga naulila na huwag nang magbigay o mag-alay ng mga bulaklak bagkus ay ibigay na lamang sa favorite charity ng yumao. Kundangan kasi ay malaking halaga ng pera ang magagarang bulaklak sa patay; kesa ipambili yamang malalanta rin naman, minamabuti ng mga naulila ng yumao na mag-donate na lamang sa favorite charity ng pumanaw nilang mahal sa buhay.

Marahil ay hindi ito matatanggap hindi lamang ng mga Pilipino kungdi ng karamihan ng tao sa buong mundo; higit pa ring napapahayag ang pakikiramay at pagmamahal sa namatay at mga naulila sa pamamagitan ng bulaklak dahil malalim na katotohanang taglay ng mga ito.

Larawan kuha ng may-akda, 2018.

Tuwing Sabado Santo noong nasa parokya pa ako, gustung-gusto ko palagi sa aming umagang panalangin (lauds) na ipinahahayag iyong tagpo ng paglilibing kay Hesus.

Sa pinagpakuan kay Jesus ay may isang halamanan, at dito’y may isang bagong libingang hindi pa napaglilibingan. Yamang noo’y araw ng Paghahanda ng mga Judio, at dahil sa malapit naman ang libingang ito, doon nila inilibing si Jesus (Juan 19:41-42).

Inilibing si Jesus sa may halamanan, garden sa Inggles. Nagpapahiwatig muli ng Paraiso, hindi ba.

Kay sarap namnamin ng tagpo ng Pasko ng Pagkabuhay ni Jesus doon sa “halamanan” na muli ay paalala sa atin ng “return to Paradise”, “return to Eden” ika nga. Kaya nang lapitan ni Jesus si Magdalena nang umiiyak dahil wala ang Panginoon sa libingan, napagkamalan niya si Jesus bilang hardinero.

Larawan kuha ng may-akda, halamanan sa St. Agnes Catholic Church, Jerusalem, Mayo 2017.

Noong Martes, sinabi ni Jesus sa ebanghelyo na ang paghahari ng Diyos ay “Katulad ng isang butil ng mustasa na itinamin ng isang tao sa kanyang halaman” (Lk.13:19).

Bawat isa sa atin ay halamanan ng Diyos, a garden of God. A paradise in ourselves.

Maraming pagkakataon pinababayaan natin ating mga sarili tulad ng halamanang hindi dinidilig ni nililinang. Kung minsan naman, hindi nating maintindihan sa kabila ng ating pangangalaga, tila walang nangyayari sa ating sarili, tulad ng halamanang walang tumubo o lumago, mamunga o mamulaklak sa kabila ng pagaasikaso?

Nguni’t maraming pagkakataon din naman na namumulaklak, nagbubunga tayo tulad ng halamanan dahil ang tunay na lumilinang sa atin ay ang Panginoong Diyos na mapagmahal!

Ilang araw pagkaraan ng Pasko nang kami’y magtanghalian ng barkada, 2023.

Noong Disyembre 2022, umuwi isa naming dating teacher at kaming magkakaibigan ay nagsama-sama para sa isa pang dati naming kasama sa ICSM-Malolos, si Teacher Ceh.

Umuwi siya mula Bahrain noong 2020 dahil sa cancer at sumailalim siya ng chemotherapy.

Dahil Pasko, niregaluhan ko siya ng orchid.

Enero 2023 namasyal kami sa Tagaytay at napakasaya namin noon. Gustung-gusto niyang pinupuntahan ang Caleruega tuwing umuuwi siya mula Bahrain kung saan siya nagturo matapos mag-resign sa aming diocesan school.

Ang akala namin ay papagaling na si Teacher Ceh at dadalas na aming pagkikitang magkakaibigan mula noong simula ng 2023. Pagkatapos ng huli niyang chemotherapy noong Setyembre, nabatid na mababagsik kanyang cancer cells at hindi nagtagal, pumanaw si Teacher Ceh noong ika-16 ng Oktubre 2023.

Larawan kuha ng may-akda, 16 Oktubre 2024.

Isang araw bago sumapit kanyang babang-luksa, ibinalita sa amin ng kanyang Ate na umuwi mula Amerika na buhay at namumulaklak ang bigay kong orchid kay Teacher Ceh. Dinala niya ito nang magmisa ako sa kanyang puntod kinabukasan para sa kanyang ibis luksa.

Laking tuwa namin sa gitna ng nakakikilabot na pagkamangha nang makita naming magkakaibigan ang regalo kong orchids kay Teacher Ceh.

Isa’t kalahating taon pagkaraan naming huling magsama-samang magkakaibigan, isang taon makalipas ng kanyang pagpanaw, buhay at namulaklak pa rin ang orchid kong bigay sa kanya na tila nangungusap na masayang-masaya, buhay na buhay si Teacher Ceh doon sa langit!


Sa aking silid; bigay lamang po iyang halaman na iyan at di ko alam pangalan.

Ako man ay nagtataka. Kung kailan wala na aking Mommy, saka ako nakakabuhay ng mga halaman. Green thumb kasi si Mommy.

Kahit maliit lamang aming lupain, sagana siya sa pananim mula sa mga rosas at orchids, cactus at mga mayana, mga sari-saring halaman sa paso maging papaya, atis, langka, pati kamote at sili sa gilid ng bahay namin ay mayroon siya.

Ito yung flower vase ng mga napatay kong waterplant sa dati kong assignment; ayaw ko sanang dalhin sa paglipat dito sa Valenzuela pero awa ng Diyos, buhay pa halaman mula 2021.

Nakakatawa, ako hindi makabuhay ng halaman. Muntik pa akong bumagsak ng first year high school sa gardening kasi hindi ako makabuhay ng ano mang panananim maliban sa kamote. Sabi ni Mommy sa akin noon, kapag iyong kamote hindi ko pa nabuhay, ako ang talagang kamote!

Nang magkaroon ako ng sariling parokya noong 2011, nakakadalaw pa siya at simba sa amin noon tuwing Linggo. Ipinagyabang ko sa kanya mga alaga kong water plants sa kuwarto ngunit pagkaraan ng ilang buwan, namatay mga iyon. Sabi niya ulit sa akin, “ano ka ba naman anak, water plant na lang napapatay mo pa? Masyadong mainit iyong mga kamay,” aniya.

Hoya daw ito na nakuha ko noong aking personal retreat sa Sacred Heart Novaliches noong 2022; buhay pa rin hanggang ngayon sa aking banyo.

Isang bagay nakalimutan kong sabihin kay Mommy bago siya mamatay ay nakakabuhay na ako ng water plant sa kuwarto ko sa bago kong assignment sa Fatima Valenzuela.

Ako ay nagugulat sa sarili ko ngunit ngayon ko lamang napagnilayan nang makita ko ang orchids na regalo ko kay Teacher Ceh: apat na taon nang buhay aking mga water plant sa kwarto mula nang malipat ako dito noong 2021.

Hindi ko rin alam pangalan ng halamang ito na bigay sa akin pero nakapagpatubo na ako ng isa pa niyang sanga nasa aking office sa University; yung orchids bigay sa akin noong Abril, wala nang bulaklak pero buhayn pa rin. Himala!

Parang sinasabi sa akin ng mga alagang kong water plant na marahil, buhay na buhay at tuwang tuwa na rin si Mommy at nakabuhay ako ng halaman.

Kasi sabi niya kasi sa aking noong maliit pa ako, dapat daw marunong akong mag-alaga ng halaman at hayop dahil tanda raw iyon na makakabuhay na rin ako ng tao.

Siguro nga. Kaya ko nang mabuhay maski wala na siya, paalala marahil nitong aking mga halaman. Flowers for you, kaibigan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

POGO’s

 8,035 total views

 8,035 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 16,428 total views

 16,428 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 24,445 total views

 24,445 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 30,905 total views

 30,905 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 36,382 total views

 36,382 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

From fear of the Lord to love of God and neighbors

 10,711 total views

 10,711 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thirty-first Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 03 November 2024 Deuteronomy 6:2-6 ><}}}}*> Hebrews 7:23-28 ><}}}}*> Mark 12:28-34 Photo by author, river at the back of Nagsasa Cove, San Antonio, Zambales, 19 October 2024. Jesus finally entered

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Mga pamahiin at kaalaman turo sa atin ng paglalamay sa patay

 10,711 total views

 10,711 total views Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-01 ng Nobyembre 2024 Larawan kuha ng may-akda, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 Marso 2024. Salamuch sa mainit na pagtanggap sa ating nakaraang lathalaing nagpapaliwanag sa ilang mga pamahiin sa paglalamay sa patay. Sa ating pagsisikap na tuntunin pinagmulan ng mga pamahiin sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Lihim ng mga pamahiin sa lamayan

 10,711 total views

 10,711 total views Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-30 ng Oktubre 2024 Larawan kuha ng may-akda, St. Scholastica Retreat House, Tagaytay City, Agosto 2024. Heto na naman ang panahon ng maraming pagtatanong at pagpapaliwanag sa ating mga pamahiin ukol sa paglalamay sa mga patay. Matagal ko nang binalak isulat mga ito nang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Friday I’m in love, Part 3

 10,712 total views

 10,712 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 29 October 2024 Photo by author, entering the Nagsasa Cove in San Antonio, Zambales, 19 October 2024. Ihave always imagined God must be like Jewish director Steven Spielberg. According to an article I have read long ago, Spielberg would always hide sets of important scenes

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Seeing Jesus

 12,816 total views

 12,816 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thirtieth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 27 October 2024 Jeremiah 31:7-9 ><}}}}*> Hebrews 5:1-6 ><}}}}*> Mark 10:46-52 Photo by author, Nagsasa Cove, San Antonio, Zambales, 19 October 2024. “Seeing” is a word with so many meanings

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

The teacher is the lesson

 13,470 total views

 13,470 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 24 October 2024 Photo by Maria Tan, ABS-CBN News, 27 July 2024. Classes are still suspended due to severe tropical storm Kristine. While scrolling through Facebook, I chanced upon a funny post supposed to be the cry of many employees. And teachers as well: “We are

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Is this meant for us or for everyone?

 13,470 total views

 13,470 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Memorial of St. John of Capistrano, Priest, 23 October 2024 Ephesians 3:2-12 <*((((>< + ><))))*> Luke 12:39-48 Photo by author, Pampanga, September 2024. Lord Jesus, many times I find myself like Peter asking You so often

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Unity in Christ

 13,468 total views

 13,468 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, Memorial of St. John Paul II, Pope, 22 October 2024 Ephesians 2:1-10 <*[[[[>< + ><]]]]*> Luke 12:35-38 Photo by author, mountain range off the coast of Nagsasa Cove, San Antonio, Zambales, 19 October 2024. Glory to

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

We are God’s handiwork

 13,468 total views

 13,468 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Twenty-ninth Week of Ordinary Time, Year II, 21 October 2024 Ephesians 2:1-10 <*((((>< + ><))))*> Luke 12:13-21 Photo by author, the pristine Nagsasa Cove in San Antonio, Zambales, 19 October 2024. Your words today,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

When we do not know what “we want”

 13,468 total views

 13,468 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-ninth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 20 October 2024 Isaiah 53:10-11 ><}}}}*> Hebrews 4:14-16 ><}}}}*> Mark 10:35-45 The Jewish Cemetery of Mount of Olives facing the Eastern Gate of Jerusalem where the Messiah is believed would

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Only One

 13,468 total views

 13,468 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Feast of St. Luke, Evangelist, 18 October 2024 2 Timothy 4:10-17 <*((((>< + ><))))*> Luke 10:1-9 Photo by Dra. Mylene A. Santos, MD, an orange-bellied flowerpecker (Dicaeum trigonostigma), December 2023. Beloved: Demas, enamored of the present

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Led by the Holy Spirit

 13,468 total views

 13,468 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday in the Twenty-eighth Week of Ordinary Time Year II, 16 October 2024 Galatians 5:18-25 ><))))*> + ><))))*> + ><))))*> Luke 11:42-46 Photo by author, Fatima Ave., Valenzuela City, 25 July 2024. Lead and guide us, O

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Faith working through love

 13,468 total views

 13,468 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday, Memorial of St. Teresa of Avila, Virgin & Doctor of the Church, 15 October 2024 Galatians 5:1-6 ><]]]]’> + ><]]]]’> + ><]]]]’> Luke 11:37-41 Photo by author, somewhere in Pampanga, August 2024. What a wonderful Saint

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Evil generation

 17,032 total views

 17,032 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Twenty-eighth Week of Ordinary Time, Year II, 14 October 2024 Galatians 4:22-24, 26-27, 31-5:1 <*((((>< + ><))))*> Luke 11:29-32 Photo by Ms. April Oliveros at Mt. Pulag, March 2023. While still more people gathered

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Jesus “looking with love”

 6,867 total views

 6,867 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-eighth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 13 October 2024 Wisdom 7:7-11 ><}}}}*> Hebrews 4:12-13 ><}}}}*> Mark 10:17-30 Lately in my prayers I have felt so drawn on the “face” of Jesus, trying to imagine and feel

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top