Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sa darating na eleksyon, ipaglaban ang buhay

SHARE THE TRUTH

 260 total views

Mga Kapanalig, noong 2013, masiglang kumilos ang mga samahang pro-life upang bumuo ng tinawag nilang “Catholic Vote”. Ikinampanya nila ang mga kandidatong sumalungat sa Reproductive Health o RH Law. Naglabas rin sila ng listahan ng mga kandidatong hindi dapat iboto dahil sumuporta sila sa naturang batas.

Sa kasalukuyang eleksyon, patuloy ang pagpapaalala ng grupo sa mga katoliko na bumoto para sa buhay. Noong nakaraang linggo, lumabas sa isang pro-life website ang talaan ng kandidatong dating senador at kongresistang bumoto sa RH Law. Malinaw na itinuturing nilang malaking banta ang mga taong ito sa kasagraduhan ng buhay.

Kapansin-pansing may kandidato sa pagkapangulo na wala sa talaang ito, marahil dahil hindi siya naging mambabatas. Ngunit, mga Kapanalig, maaaring ang kandidatong ito ang pinakamatinding banta sa kasagraduhan ng buhay sa ating bansa. Ang pagsuporta niya sa RH Law ang pinakamaliit na paglabag niya sa katuruang Katoliko tungkol rito. Ayon sa isang ulat sa Rappler, bilang alkalde ng isang malaking lungsod, naglaan siya noon ng mga libreng serbisyo para sa vasectomy at ligation. Namigay pa siya ng pera sa mamamayang gumamit ng mga serbisyong ito.

Malala pa rito, masugid siyang tagapagtaguyod ng pagbabalik ng parusang kamatayan o death penalty. Mula 1992, mahigpit na tinutulan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ang pagbabalik sa parusang bitay. Nang naibalik ito noong 1997, mabagsik nilang ipinaglaban ang pagtatanggal nito, hanggang sa suspindihin ang death penalty noong 2006. Sa “CBCP statement on the non-restoration of the death penalty,” na bahagi ng katuruang panlipunan ng ating lokal na Simbahan, sinabi ng CBCP na ang pagtutol nila sa pagsasabalik ng parusang kamatayan ay alinsunod sa maawaing mukha ng Panginoon, na hindi kamatayan ang ninanais para sa maysala, kundi ang pagbabagong buhay sa kaniya.

Ayon kay Papa Francisco, sa isang mensahe sa International Commission on the Death Penalty noong 2015, ang parusang kamatayan ay kabaligtaran ng awa ng Diyos.Walang anumang krimeng dapat lapatan ng parusang kamatayan, at walang katarungang nakakamit sa pagkitil ng buhay ninuman, maysala man o wala.

Higit pang nakababahala, mga Kapanalig, ang pagwawalambahala ng kandidatong ito sa mga extrajudicial killings, o ang pagpatay nang walang paglilitis, gaya ng ginagawa ng umano’y “death squad” sa lungsod na dati niyang pinamunuan. Ayon sa isang lihim na ulat na ibinunyag ni Fr. Amado Picardal, Executive Secretary ng CBCP Committee on Basic Ecclesial Communities, mahigit 1,000 na ang pinatay ng “death squad” mula 1998 hanggang 2015. Marami sa kanila ay pinaghihinalaang kriminal, at karamihan ay hindi armado nang paslangin. Mahigit 100 bata ang kasama raw sa mga biktima, at dalawang mamamahayag na kritikal sa naturang kandidato. Labing-apat ang kaso ng napagkamalan lamang.

Noong Mayo 2015, inamin ng kontrobersyal na kandidato na may koneksyon nga siya sa mga death squad. Mabilis itong binawi makaraan ang ilang araw. Biro lang daw. Marahil, biro rin ang binigkas niya noong Pebrero 2009: “If you are doing an illegal activity in my city… for as long as I am the mayor, you are a legitimate target of assassination.”

Wala ni anino tungkol sa mga bagay na ito sa pro-life website na nabanggit kanina. Ang isinusumbat nila sa kandidatong ito ay pambababae, pagmumura sa Santo Papa, at pagsang-ayon sa gay marriage. Samantala, patuloy ang pamamayagpag niya sa mga public opinion surveys.

Mga Kapanalig, tinatawag tayo bilang mga katoliko na ipagtanggol ang buhay. Mas matindi ang panawagan ngayon kaysa noong 2013,ngunit tila mas mahina ang tugonng mga Katolikong nagtataguyod sa kasagraduhan ng buhay. Ilang araw na lamang bago mag-eleksyon, ngunit may panahon pa para ipakita ang pagtutol natin sa kawalan ng pagpapahalaga sa buhay. Pangatawanan natin ang ating pagiging tagasunod sa Panginoon ng Buhay.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 6,627 total views

 6,627 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 21,704 total views

 21,704 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 27,675 total views

 27,675 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 31,858 total views

 31,858 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 41,141 total views

 41,141 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 6,628 total views

 6,628 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 21,705 total views

 21,705 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 27,676 total views

 27,676 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 31,859 total views

 31,859 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 41,142 total views

 41,142 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 48,429 total views

 48,429 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 46,674 total views

 46,674 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 96,982 total views

 96,982 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 106,450 total views

 106,450 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 77,870 total views

 77,870 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 84,129 total views

 84,129 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 98,446 total views

 98,446 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 83,813 total views

 83,813 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 71,404 total views

 71,404 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 84,006 total views

 84,006 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top