VeritasPH

The Word, The Truth

Sa likod ng gintong tagumpay

SHARE THE TRUTH

 290 total views

Mga Kapanalig, ilang oras lamang matapos ang huling SONA ni Pangulong Duterte noong nakaraang Lunes, isang makasaysayang balita ang ating natanggap nang makamit ng Pilipinas ang kauna-unahang gold medal nito mula nang sumali tayo sa Olympics noong 1924.

Nangyari ito sa pamamagitan ng ipinamalas na galing at lakas ng Pilipinang weightlifter na si Hidilyn Diaz. Inulan ng papuri ang atletang laking-Zamboanga nang talunin niya ang walo pang ibang atleta sa weightlifting, kabilang ang world record holder na galing China. Talaga namang galak at tuwa ang hatid sa buong bansa ng makasaysayang tagumpay ng ating babaeng atleta at ang kanyang kahanga-hangang lakas at determinasyon.

Sa dinami-rami ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Hidilyn bago makamit ang kanyang makasaysayang panalo, sinong mag-aakalang isa rito ang pagkakadawit niya sa isang matrix na inilabas ng Malacañang noong 2019? Gaya ng mga biktima ng red-tagging, minsan ding naging biktima si Hidilyn ng walang basehang paratang ng pamahalaan nang mapabilang ang pangalan ng atleta sa “oust-Duterte” matrix ng Palasyo. Naglalaman ang nasabing diagram ng mga ugnayan o pagsasabwatan umano ng iba’t ibang mga indibidwal, grupo, at organisasyon para patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte. Mariing nilinaw ng atleta at ng iba pang personalidad na nadamay dito na walang basehan ang matrix na iyon.

Nang muling lumutang ang isyung ito pagkatapos ng pagkakapanalo ni Hidilyn, imbis na humingi ng paumanhin, itinanggi pa ng Palasyo ang pagkakadawit ng atleta sa iprinesenta nitong matrix. Sinabi ng dating tagapagsalita ng pangulo at ngayon ay chief presidential legal counsel na si Salvador Panelo, hindi siya hihingi ng paumanhin dahil wala raw siyang kinalaman sa nasabing matrix. Isinapubliko lang naman niya raw iyon dahil iniutos ni Pangulong Duterte. Wala ring kinahinatnan ang diagram na inilabas ni Panelo at kalauna’y inamin niyang hindi naberipikang maigi ang matrix. Ang mensahe naman ni Pangulong Duterte kay Hidilyn: “let bygones be bygones.” Kalimutan na raw ng atleta kung anuman ang hindi magandang nangyari dahil sa matrix.

Nakababahala at delikado ang pagpaparatang ng pamahalaan nang wala namang matibay at malinaw na ebidensya. Maliban sa batikos at katakut-takot na pagbabanta mula sa mga tagasuporta ni Pangulong Duterte, napagbintangan ding kasapi ng NPA ang ama ni Hidilyn dahil sa maling pagkakasangkot ng anak sa matrix. Labis na nakaapekto ang maling paratang ng pamahalaan sa kanyang reputasyon, sa kanyang pamilya, at lalo na sa career niya bilang atleta. Sa kabila ng lahat, napatawad na raw ni Hidilyn ang mga taong nagbintang sa kanya at sa kanyang pamilya, ngunit hiling niyang maging mapanuri na sana ang mga tao lalo na sa mga nababasa sa social media.

Tandaan natin ang paalala ng Panginoon sa Zacarias 8:16-17: “magsabi kayo ng totoo… Humatol kayo nang tama para sa ikabubuti ng lahat. Huwag kayong magbalak ng masama laban sa inyong kapwa, at huwag kayong susumpa ng kasinungalingan dahil ang lahat ng iyan ay aking kinapopootan.” Bilang mga opisyal ng gobyerno, dapat na mas lalong nakabatay sa matibay na ebidensya ang mga impormasyong ipinalalabas nila. Nakalulungkot at nakadidismayang hindi na nga maibigay sa ating mga atleta ang buong suportang lubos nilang kailangan, gawa-gawang akusasyon pa ang idaragdag ng pamahalaan sa balikat ng mga katulad ni Hidilyn na nagdadala ng karangalan para sa bansa.

Mga Kapanalig, aral ito para sa ating lahat, lalo na para sa ating mga opisyal ng pamahalaan na tahakin ang daan tungo sa katotohanan. Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na tungkulin nating igalang ang katotohanan at maging responsableng saksi sa kung ano ang tama. Magbubunga ng kaayusan at ng isang lipunang may paggalang sa dignidad ng bawat isa kung tayo—lalo na ang mga namumuno sa atin—ay namumuhay batay sa katotohanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 740 total views

 740 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 8,725 total views

 8,725 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 16,261 total views

 16,261 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 32,247 total views

 32,247 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 40,291 total views

 40,291 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 741 total views

 741 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 8,726 total views

 8,726 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 16,262 total views

 16,262 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 32,248 total views

 32,248 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 40,292 total views

 40,292 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,151 total views

 45,151 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,576 total views

 43,576 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,362 total views

 45,362 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,287 total views

 42,287 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,601 total views

 56,601 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,291 total views

 60,291 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,894 total views

 58,894 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,881 total views

 68,881 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,849 total views

 72,849 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,736 total views

 83,736 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top