Salamin, sabihin sa akin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,309 total reads

Salamin, 
salamin sa dingding
sabihin sa akin at
ipakita rin
mga puwing 
na hindi ko pansin
ni ayaw kilalanin
ni tanggapin!
Ayoko sanang sabihin
ngunit ito binubulong
ng aking damdamin:
paano nga ba tayo humantong
at ganito ating narating
sa tuwing halalan darating
nagpapanting mga tainga natin
sa mga usaping alam na natin?
Paulit-ulit pinag-uusapan
walang kinahihinatnan
pagkatapos ng halalan
kaya paulit-ulit na lamang
walang katapusang 
mga pangakong binibitiwan
nakakalimutan, pinababayaan
pasan ng taong-bayan, di maibsan.
Tingnan nga natin
at suriin ang sarili
kung atin ding sinasalamin
magagandang adhikain
o mga paratang at
pambabatikos natin
dahil kung tutuusin
ang pamahalaan ay larawan natin.
Larawan kuha ni STANLEY NGUMA sa Pexels.com
Galit tayo sa mga sinungaling
dahil tunay nga sila'y magnanakaw rin;
nguni't paanong naaatim
ng marami sa atin araw-araw
magsinungaling sa kapwa
lalo na't nagtitiwala sa atin
maging Panginoong Diyos
pinagtataksilan natin?
Paanong diringgin
panawagan ng nagmamalinis
gayong batid kanilang
mga bahid na dungis
kaban ng simbahan
pinakialaman
para sa sariling kaluguran
maging kahalayan?
Sila ba'y naparusahan
marahil ni hindi pinagsabihan
at ang masaklap
hinayaan na lamang
alang-alang sa habag
at awa, palaging katwiran
kapatawaran
ng mga kasalanan.
Katapatan sa pangakong
sinumpaan, hindi rin mapangatawanan
kunwa'y maraming kaabalahanan
 ang totoo'y puro kababalaghan
maraming pinupuntahan
kasama'y mayayaman
mga aba at walang-wala
kanila ring iniiwan.
Larawan kuha ng may-akda, 2020.
Totoo na malaki ang papel ng Simbahan
na ginagampanan tuwing halalan
ngunit huwag sanang makalimutan
sa araw-araw na katapatan ang tunay na labanan
kung saan mga alagad at pastol ng kawan
magsilbing huwaran sa paglilingkod
kaisa ang bayan ng Diyos
sa karukhaan, kagutuman at kapighatian.
Salamin, salamin sa dingding
kami ba'y marunong pang manalangin?
Bakit tila hindi dinggin ating mga panalangin
gayong mabuti ating layunin?
Diyos pa ba pinagtitiwalaan,
pinananaligan natin o baka naman
lumalabis mga salita natin
habang salat mabubuting gawa natin?
Salamin, salamin sa dingding
kung kami ay magising
maging kasing ingay ng batingaw
katapatan namin sa araw-araw
na gampanin, hindi katiting
pinagaganda lang ng kuliling
lalo na kung mayroong nakatingin
para lang mapansin.
Ang dapat nating ipanalangin
hindi lamang ang halalang darating
kungdi makatotohanang pagsusuri
at pag-amin sa mga kasalanan natin;
pagkaraan ng limang-daang taon
pagkakanya-kanyang dinatnan ni Magellan
umiiral pa rin habang mga puna at pansin 
nina Rizal at GomBurZa nananatiling pangarap pa rin.
Larawan mula sa commons.wikimedia.org

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 121,316 total reads

 121,316 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 155,993 total reads

 155,993 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 178,194 total reads

 178,194 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 214,680 total reads

 214,680 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 225,390 total reads

 225,390 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Only Jesus, always Jesus

 13,945 total reads

 13,945 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday, Twenty-Second Week in Ordinary Time, Year II, 31 August

Read More »

“Seduced” by God

 13,023 total reads

 13,023 total reads Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Twenty-Second Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 30 August 2026

Read More »

Wise to be a fool for Christ

 14,002 total reads

 14,002 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Twenty-first Week in Ordinary Time, Year II, 28 August

Read More »

Mothers enriched in every way

 14,846 total reads

 14,846 total reads Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Twenty-first Week in Ordinary Time, Year II, 27 August

Read More »
Scroll to Top