VeritasPH

The Word, The Truth

Tuldukan ang human trafficking

SHARE THE TRUTH

 399 total views

Mga Kapanalig, sa paggunita ng World Day of Prayer and Reflection Against Human Trafficking noong ika-8 ng Pebrero, sinabi ni Pope Francis na ang pagdurusang dulot ng human trafficking ay isang “open wound on the body of Christ.” Sugat sa katawan ni Kristo at sa katawan ng sangkatauhan ang karahasang dinaranas ng bawat biktima ng human trafficking. Noong 2019, sinabi rin ni Pope Francis na ang human trafficking ay “crime against community” dahil niyuyurakan nito ang halaga at dignidad ng mga biktima bilang tao at bilang nilikhang kawangis ng Diyos.

Ang human trafficking ay ang pag-recruit sa mga tao sa pamamagitan ng panlilinlang, pamimilit, pananakit, at pananakot upang pagkakitaan. Produktong maaaring ilakô ang turing sa mga biktima. Marami sa mga biktima ang nauuwi sa prostitusyon at pornograpiya, pagpupuslit ng droga, sapilitang paggawa o forced labor, paglahok sa mga armadong grupo, pagbebenta ng mga internal organs, at iba pa.

Sa sistema ng rating na ginagamit ng US State Department, nananatiling nasa Tier 1 ang status o katayuan ng Pilipinas mula 2016; ibig sabihin, sumusunod ang bansa sa mga minimum na pamantayan sa pagsugpo ng human trafficking.[4] Sa 2021 Trafficking in Persons Report, lumalabas na pinagsikapan ng ating pamahalaan ang paghahaból at pagpapanagot sa mas maraming human traffickers kumpara sa nakaraang mga nakaraang taon. Dinagdagan din ng gobyerno ang bilang ng mga prosecutors na nakatalagâ sa mga anti-trafficking task forces, pati na ang bilang ng mga kawani sa mga anti-trafficking coordination bodies. Gayunpaman, mayroon pa ring mga pagkukulang dahil hindi nahahatulan ang sinumang opisyal para sa pakikipagsabwatan sa naturang krimen. Hindi rin ganoon kaigting ang mga imbestigasyon sa mga labor trafficking crimes, at hindi pa rin sapat ang mga resources para sa pagpapatupad ng batas at mga paghahatid ng serbisyo sa mga biktima. Kaya naman, nananatili pa ring malaking problema ang human trafficking sa ating bansa.

Dahil kadalasang hindi napapansin ang mga biktima ng human trafficking, ganoon na lang kahirap kumalap ng eksaktong datos kung ilan talaga ang mga bata at mga babaeng nahuhulog sa kamay ng mga human traffickers. Dahil itinuturing na tila kalakal o produkto ang mga biktima, nagdudulot ang krimeng ito ng matinding pisikal, mental, at emosyonal na pinsala sa kanila at sa kanilang pamilya.

Kahit kailan, hindi magiging makatarungan at makatao na ibaba ang halaga ng isang tao bilang isang bagay na pinagsamantalahan at ibinibenta. Pagyurak ito sa karapatan at dignidad ng tao. Gaya nga ng idiniriin sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang anumang nagpapababà sa dignidad ng tao, katulad ng human trafficking, ay paglapastangan din sa Diyos. Dahil dito, mahalaga ang mga ginagawa at gagawin pang hakbang at ang patuloy na pagkilos at pagtutulungan ng pamahalaan, mga pamayanan, Simbahan, pati na mga pamilya upang tuldukan ang krimen ng human trafficking. Sa Mga Awit 82:4, pinagsabihan ng Diyos ang mga namumunong iligtas ang mahihina at mga nangangailangan mula sa kamay ng masasamang tao. Mahalagang paalala rin ito sa ating lahat.

Mga Kapanalig, upang tunay at ganap nating mapagtagumpayan ang laban sa human trafficking na lantarang nilalapastangan ang dignidad ng tao, napakahalagang ang mga susunod na lider ng ating bansa ay bibigyang-pansin ang krimeng ito. Kaya’t kilalanin nating mabuti ang mga tatakbo sa darating na halalan, at piliin ang tunay na ipagtatanggol tayo—lalo na ang mga babae at ang ating mga anak—sa mga masasamang loob. Huwag nating hayaang masadlak sa karahasan at kahirapan ang mga biktima ng human trafficking dahil sa mahinang pagpapatupad ng mga batas o kaya naman ay ang mabagal na pagpapanagot sa mga sangkot dito. Sa darating na eleksyon, piliin natin ang mga ipagtatanggol ang mahihina.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 4,507 total views

 4,507 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 20,493 total views

 20,493 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 28,538 total views

 28,538 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 33,618 total views

 33,618 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 39,324 total views

 39,324 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 4,508 total views

 4,508 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 20,494 total views

 20,494 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 28,539 total views

 28,539 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 33,619 total views

 33,619 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 39,325 total views

 39,325 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,390 total views

 44,390 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,315 total views

 41,315 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,629 total views

 55,629 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,319 total views

 59,319 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,922 total views

 57,922 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,909 total views

 67,909 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,877 total views

 71,877 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,764 total views

 82,764 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,203 total views

 95,203 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,961 total views

 105,961 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top