Sambayanang Filipino, binalaan ni Cardinal Tagle sa pakikilakbay sa huwad na Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total views

Hinamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga bumubuo sa Philippine Conference on New Evangelization na ipagpatuloy ang PCNE sa pamamagitan ng pakikilakbay sa kapwa.

Sa isinagawang thanksgiving mass para sa mga volunteers ng PCNE noong ika-16 ng Agosto, pinasalamatan ni Cardinal Tagle ang mga tumutulong sa matagumpay na pagsasagawa taun-taon ng PCNE.

Sinabi ng Kardinal na naisasakatuparan ito dahil na din sa sama-samang paglalakbay ng mga volunteers kasama si Kristo.

Binigyan diin ni Cardinal Tagle sa kanyang pagninilay na mahalagang si Hesus ang maging kalakbay sa tuwina ng mga mananampalataya lalo na ng mga kabataan upang maakay ang mga ito patungo sa kaligtasan.

Ipinaliwanag ng Kardinal na kung ang kalakbay ng isang lipunan ay si Kristo, matatawag itong bayan ng Diyos.

Subalit pinaalalahanan din nito ang mga mananampalataya na huwag makalilimot at tiyakin lagi na tunay na si Hesus ang kanilang kalakbay at hindi ang mga nagpapanggap lamang na ibang diyos.

“Kung ang kalakbay mo ay Diyos, magiging bayan ka ng Diyos. Kung ang kalakbay mo ay iba, bayan ka noon. Kanino ka nakikipaglakad? Sino ang kalakad mo? Huwag kalilimutan. Ang paglimot ay paglalakad ng solo o baka kasama nyo na ang ibang diyos?” Pahayag ng Cardinal sa kan’yang pagninilay.

Sinabi pa ni Cardinal Tagle na ang paglalakad kasama si Hesus ay maihahalintulad sa tipan ng kasal dahil nangangako ang tao na hindi ito kailanman hihiwalay sa Panginoon.

Ang pakikipagtipan ng tao sa Diyos ay nangangahulugan din ng pagmamahal at pag-aalaga nito sa mga iniibig ng Panginoon, tulad ng pagkalinga sa mga mahihirap, may sakit at paggabay sa mga kabataan.

“The covenant of marriage is a walking together. Walking really means a covenant relationship and never forgetting how God walked with me and young people needs guide. If young people were guided to discover them, then their hearts will be faithful and they will walk with God and walk with those whom God loves, the wounded, the despised, the abandoned, the forgotten.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Taong 2013 nang sinimulan ng Archdiocese of Manila Office for the Promotion of the New Evangelization ang pagoorganisa ng Philippine Conference on New Evangelization.

Ngayong 2019 ang ika-6 na taon ng pagsasagawa nito kung saan libu-libong mananampalataya ang dumalo mula sa iba’t-ibang Diyosesis, Arkidiyosesis at mga institusyon sa buong Pilipinas.

Umaasa naman ang OPNE na sa ika-7 taon ng pagsasagawa ng PCNE sa taong 2020 ay lalo pang mapayayabong ang pamamaraan sa pagpapakalat ng mabuting balita ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 7,556 total views

 7,556 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 34,012 total views

 34,012 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 84,696 total views

 84,696 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 90,504 total views

 90,504 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 119,180 total views

 119,180 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 322,677 total views

 322,677 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top