Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sambayanang Filipino, hinimok na lumagda sa Laudato Si Pledge

SHARE THE TRUTH

 207 total views

Hinimok ni Father John Leydon, convenor ng Global Catholic Climate Movement ang mga Filipino na lumagda sa Laudato Si Pledge ngayong ikalawang anibersaryo ng Encyclical ni Pope Francis na Laudato Si.

Ipinaliwanag ng Pari na ang “Laudato Si Pledge” ay pangako sa kalikasan na tayo ay mamumuhay ng may pakialam at may malasakit sa ating kapaligiran at sa susunod pang henerasyon na makikinabang dito.

Bahagi rin nito ang pananalangin para sa patuloy na pagyabong ng san nilikhang nagbibigay ng buhay sa bawat nilalang, aktibong pagsasabuhay at pakikibaka para sa adbokasiya na protektahan ang kalikasan.

Kaugnay dito, ngayong sabado ika-17 ng Hunyo, inaanyayahan ang lahat na dumalo sa paglulunsad ng Laudato Si Pledge sa La Consolacion College Manila Auditorium, Mendiola St., San Miguel, Manila, simula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

“Inaanyayahan ng Global Catholic Climate Movement Pilipinas [ang bawat isa] na dumalo sa isang napakahalagang activity, ito ay ang Launching ng Laudato Si Pledge kung saan yung mga tao, [will] give their commitments na isabuhay ang pagtuturo ng ating mahal na Papa na si Pope Francis sa pagsabuhay at pagtutupad ng mga turo niya sa Encyclical na Laudato Si,”imbitasyon ni Father Leydon.

Libre at walang kinakailangang registration fee ang programa na sisimulan sa pamamagitan ng Banal na Misa sa pangunguna ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr. na susundan ng pagpapalalim ng pag-unawa sa Encyclical na Laudato Si’ at ang hamon ng Santo Papa sa bawat indibdwal na mahalin at arugain ang nag-iisa nating tahanan.

Inaasahan ding dadalo sa pagtitipon ang Founder at Executive Director of Global Catholic Climate Movement na si Tomas Insua.

Ang Laudato Si ang ikalawang encyclical na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei.

Gayunman, ito ang itinuturing na kauna-unahang encyclical na patungkol sa tamang pangangalaga sa Kalikasan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 28,825 total views

 28,825 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,542 total views

 40,542 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,375 total views

 61,375 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 77,802 total views

 77,802 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,036 total views

 87,036 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 80,329 total views

 80,329 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 67,185 total views

 67,185 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 62,591 total views

 62,591 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top