Sambayanang Pilipino, patuloy na hinihikayat ng Simbahan ba magpabakuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 478 total views

Patuloy na hinihikayat ng simbahan ang publiko na magpabakuna laban sa coronavirus disease upang magkaroon ng karagdagang kaligtasan laban sa nakakahawa at nakamamatay na virus.

Sa kasalukuyan, ilang diyosesis sa bansa ang katuwang ng pamahalaan sa pagsasagawa ng malawakang vaccination program upang maiwasan ang patuloy na pagdami ng COVID-19 cases sa bansa.

Kabilang sa mga ito ang Diyosesis ng Novaliches; Kalookan; San Pablo, Laguna; Balanga, Bataan at maging ang Arkidiyosesis ng Cebu.

Maliban naman sa pagpapagamit sa mga simbahan at ilang catholic schools para maging vaccination sites, nagsasagawa rin ng information dissemination ang mga simbahan tungkol sa COVID-19 vaccines upang magkaroon ng vaccine confidence ang publiko at mapawi ang pangamba sa pagpapabakuna.

Ayon sa anunsyo ng Malacanang, umabot na sa mahigit 13.2-milyong Filipino o 12.1 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa ang kumpleto na sa bakuna laban sa COVID-19.

Habang umabot naman sa mahigit 17.5-milyon o 16-porsyento ng mga Filipino ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.

Inaasahan ng pamahalaan na bago matapos ang taon ay maging fully vaccinated ang nasa 50 hanggang 60 milyong Filipino, mas mababa mula sa 70-milyong target ng pamahalaan upang maabot ang herd immunity.

Batay naman sa ulat ng Department of Health, umabot na sa 127,703 ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, matapos makapagtala ng mga panibagong kaso na umabot sa 12,067.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 104,341 total views

 104,341 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 134,564 total views

 134,564 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 161,212 total views

 161,212 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 256,185 total views

 256,185 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 270,469 total views

 270,469 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top